Nonsense

Isang nonsense na blog.

Sunday, May 9, 2010

X and Y (short story)

"Sana umulan.." paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na sana nga umulan. Alam ko naman kasi na kapag umulan, may posibilidad na maaga kaming pauwiin. Ayoko ko kasi ng last subject namin, Assessmet I, nakakainip, puro solving. Nakakapagtaka nga eh, kung education student ka at Filipino ang major mo, ano ang kinalaman ng Math sa buhay mo? Wala diba? nagagamit lang naman ang Math kapag i-ko-compute mo na ang grade ng mga estudyante. Naghikab ako. Antok na antok na ako, tiningnan ko ang suto kong relo, mag-a-alas kwatro pa lang ng hapon. Gustong-gusto ko na talagang umuwi.

"Pot, gising ka pa ba?" tanong sa akin ng kaklase ko. Natawa naman ako, bakit niya natanong? Pikit na ba ang isang mata ko?

"Oo, pot... antok na antok na ako. Nasaan na ba si sir? Dapat ma-late siya ng fifteen minutes para pwede na natin siyang layasan." seryosong sabi ko. Gusto ko na talagang umuwi.

"Ikaw talaga pot...umayos ka nga." hinatak niya ang buhok ko. Infairness, medyo nahimasmasan ako. Nagpalinga-linga ako sa loob ng silid aralan. Nakatayo pa ang iba kong mga kaklase... nagkekwentuhan.. nagtatawanan, iyong iba, napapakasakim, kumakain ng hindi namimigay.

"Guys, andyan na si Sir!" parang mga highschool students na naipon ang mga kaklase ko, isa-isa silang nagsi-upuan sa kanya-kanyang mga pwesto, habang ako, natatawang pinapanood sila.

"Mga adik..." bulong ko. Maya-maya ay nakita kong nakatayo na si Sir sa may pinto. Nakangiti siya.

"Page 123 - 136, assignment, pasa ninyo bukas. tapos ngayon pwede na kayong umuwi, baka umulan kasi. Hindi ako makakauwi ng maaga." tumaas ang kilay ko. Page 123-136?! Ano ito? Take home finals? Binuksan ko ang libro ko at nang makita ko ang sasagutan, puro X and Y.. may mean, median, mode pa. Nauta ako.. kailangan ba talaga sa buhay iyang X and Y na iyan?

"Gosh ah..." napailing ako at isinara ko ang libro. Tumayo ako at saka binalingan ang mga kaklase ko.

"Pot uwi na ako. Wala akong dalang payong." hindi man lang nila ako tiningnan. Busy kasi sila sa pag-aayos ng buhok, mukha at sarili nila. The thing with this girls are, they cannot go out in public without make up.

"Ingat ka, pot..." sabi nila pero sa salamin nakatingin. Inismiran ko sila. Lumabas na ako ng room at nagtuloy-tuloy patungo sa main gate ng school. Tumingala ako, uulan talaga, promise, iba ang ihip ng hangin, iba rin ang kulay ng kalangitan. Sana talaga umulan..

"Umulan ka na, boy..." biglang sabi ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sa isip ko, nakikita ko pa rin ang sangkatutak kong assignment. Naglakad ako ng naglakad. Wala eh.. nauuta talaga ako. Ayoko kasi talaga ng Math.

Pagliko ko sa kanto malapit sa Center Plaza Mall, may humawak sa braso ko. Medyo nagulat ako kaya ayon, hindi man sadya ay hinampas ko sa balikat ang taong iyon.

"Aray!" pagdaing nito. "Ang bigat talaga ng kamay mo!" sigaw pa niya sa akin. Namilog naman ang mga mata ko ng makilala ko kung sino ang nasa harapan ko.

"Andrew..." natatawang sabi ko. "Anong ginagawa mo diyan?"

"Ikaw bakit mo ako hinampas?" medyo nakakunot ang noo niya.

"Akala ko, agaw bag ka eh." sabi ko pa. Tumitig ako sa kanya. "Ikaw ba talaga iyan?"

"Bakit sino pa ba? Adik ito. Agaw bag, di uso iyon. Ang sakit ah..." natawa ako. Muli ay tumitig ako sa kanya. Noon ko lang naisip na, Oo, namiss ko nga siya. Ilang buwan ko ba siyang hindi nakikita? Ewan.. mas madali kasing sabihin ang mga araw na nakikita ko siya. Sa loob ng pitong taon na kilala ko siya, limang beses lamang kami kung magkita.

Nakilala ko si Andrew noong nasa high school pa lang ako. Noong una ay hindi pa kami gaanong malapit, pero sa huli, natagpuan ko na lamang ang sarili ko na lagi siyang kasama, kakwentuhan at kasama sa pagcka-cutting classes.. Third year highschool ako noon, isang buong taon na magbarkada kami, pero tulad ng bawat kabanata sa ating buhay ay natapos ang isang taon.. madalang na kaming magkita, nagluko kasi siya sa pag-aaral. Habang ako, naging abala. Pero kahit ganoon, itinuring ko pa rin siyang isa sa pinakamatalik kong kaibigan.

"Saan ka galing?" tanong niya sa akin.

"Sa school." sagot ko sa kanya.

"Saan ka pupunta.." muling tanong niya.

"Uuwi na." muling sagot ko.

"Bakit ka uuwi." sabi ulit niya.

"Eh gusto ko kasing matulog." pigil ang tawang sagot ko.

"Namiss mo ba ako?" nanlaki ang mga mata ko. Ninuohan ko siya.

"Mali! Dapat ang tanong mo ay kung bakit gusto kong matulog. Ang labo mo kausap, diyan ka na nga." tumalikod ako upang maglakad, pero kasabay ng pagtalikod ko ay ang biglaang pagpatak ng ulan. Malaaki ang patak niyon at agad nabasa ang paligid.

"Yehey! Umulan!" nakatawang sabi ni Andrew. Napatingin ako sa kanya. Nakasuot siya ng brown na hoodie jacket. Nakapasok ang mga kaya sa bulsa niyon at nakatingala sa langit.

"Gusto mo rin na umulan?" namamanghang tanong ko. Hindi siya tumingin sa akin.

"Oo. Umuulan.. haha.. Ang saya." bigla ay binalingan niya ako.

"Rin? Bakit gusto mo rin ng ulan?" tumango ako. Ang galing, kahit magkalayo kami ay pareho kami ng iniisip. We both wanted it to rain... Napangiti ako, kaya ko gustong umulan dahil alam kong makikita ko siya ngayon. Kapag umulan, may posibilidad na makausap ko siya, makasama kahit panandalian lang.


"Teka, naka-uniform ako." dali-daling sumilong ako sa may - one stop shop sa city hall. Sarado ang bintana niyon, ibig sabihin, walang transakyon na nagaganap. Nakita ko na sumusunod siya sa akin. Tumayo siya sa tabi ko. Pareho kaming nakatingin sa malayo... tinatanaw ko ang plaza mayor. Tinitigan ko ang estatwa ni Rizal. Bigla ay natawa ako, may naisip kasi ako bigla.

"Si Rizal, kunwari pang pormal, kapag nadinig niyan ang "single ladies" kemkendeng iyan." biglang sabi ni Andew. Natawa lalo ako.

"Iniisip ko din iyon eh..." bigla ay natigilan ako. "We have the same ideas and thoughts and yet we can never be together." hindi sumagot si Andrew.. naramdaman ko na lang na hinahawakan niya ang hinliliit ko.Huminga siya ng malalim.

"Sadyang kaaway lang natin ang tadhana at panahon. Pero masaya naman ako kahit ganito lang tayo, Zelle." ngumiti siya. Tumitig ako sa kanya. Ang hirap na mahal ninyo ang isa't-isa pero hindi naman kayo pwedeng magsama.

Mahal ko si Andrew... at mahal rin niya ako, pero magkaibigan lang kami. Hindi kami pwede, may girlfriend siya habang ako, tahimik na naghihintay sa kanya.

Hindi kami pwede... at iyon ang masakit. Hanggang dito lang kami, magkaibigang matalik na minsan lang magkita... pero mahal namin ang isa't-isa.

"Naisip ko, para tayong X and Y..." kumunot ang noo niya.

"X and Y...bakit?" tanong niya...

"Pwede tayong magsama pero sa huli, nahahanap ni X ang value niya, habang si Y, maiiwan na lang basta... Ikaw si X.. at ako si Y. Two letters that can be together in a math problem but they can never end up with each other..." huminga ako ng malalim. Ayoko ng Math... masyadong komplikado. Parang kaming dalawa ni Andrew...

No comments:

Post a Comment