Nonsense

Isang nonsense na blog.

Sunday, May 9, 2010

His promise (short story)

"Magpapayat ka ha? Liligawan kita kapag pumayat ka na."


Grade six ako noong binitiwan ko ang mga katagang iyan sa isang kaklase. Hindi naman seryoso iyon. Ano ba namang alam ng isang batang dose-anyos sa isang seryosong pangako? Noon kasi crush na crush ako ng isang kong kaklase, si Grace. Noong una, hindi ko alam iyon, pero sinabi ni Grace sa isa naming kaklase at iyong kaklaseng iyon, sinabi naman sa buong klase.

Naalala ko noong araw na mangyari iyon. Umalis lang sandali si Grace para kumuha ng special exam, absent kasi siya noong nakaraang araw. Pag-alis niya, sinabi agad sa akin ng kaklase naming iyon na gusto raw niya ako.

Nakadama ako noon ng pagkagulat, nagtaka. Ang sabi ko sa sarili ko, Totoo? Crush niya ako? Gusto ako ng tabachingching na iyon? Natawa ako noon... crush niya ako. Pagbalik ni Grace sa classroom, iba na ang tingin sa kanya ng mga kaklse namin. Pagkatapos, naisip niya siguro kung bakit. Isang kaklaseng lalaki ang bumasag ng katahimikan at sinabing "Crush ni Taba si Erick!"

Nakita ko kung paano namula ang pisngi ni Grace noon, ang kasunod? Nagtatakbo siya palabas ng silid: umiiyak. Simula noon ay parang naging iwas na siya sa aming lahat. Lagi nalang siyang mag-isa. Nahihiya naman akong lapitan siya dahil sa tingin ko, ayaw niya rin na lapitan ko siya.

Hanggang sa sumapit ang graduation. Hindi ko naman gusto ang umalis na lang basta at iwanan siya ng hindi kami maayos, kung kaya nilakasan ko ang loob ko at kinausap siya.

"Grace..." ngumiti ako sa kanya.

"Ha?" panandalian siyang tumingin sa akin at nagyuko ng ulo pagkatapos. Ngumiti ako at sinabi sa kanya:

"Magpapayat ka ha? Liligawan kita kapag pumayat ka na." muli ay nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha. Ngumiti siya sa akin at saka tumango.

"Hindi ko kakalimutan iyang sinabi mo." wika niya habang naglalakad palayo.

Alam kong hindi sadya pero, naghatid ng ngiti at pag-asa sa kanya ang mga katgang iuyon, pagkatapos ng gabing iyon, bigla kong natanong sa sarili ko kung bakit ko nasabi ang mga katagang iyon. Siguro dala lamang iyon ng pagkakataon.

Napabuntong hininga ako. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon para makita kung ginawa nga ni Grace ang sinabi ko. Matapos kasi ang graduatuion, lumipad ang pamilya ko patungo ng Australia at doon na kami nanirahan. Wala akong balita kay Grace, ang huling dinig ko ay nag-aaral siya sa isang pribadong eskwelahan... pero kung pinanghawakan niya ba ang pangako ko, hindi ko alam. Siguro ay hindi. Siguro, naisip niya rin na hindi naman seryoso iyon. Pareho kaming mga bata. Wala pang alam sa mundo. At ang pangakong iyon ay hindi naman sadya.

"Erickson Garcia!" napukaw ang atensyon ko ng mga tinig na tumawag sa pangalan ko ng buong-buo. Napangiti ako ng makilala sila. Mga dating kaibigan, mga kaklase ko noong elementary.

"Akala namin di mo sisiputin ang reunion natin." natatawang sabi ni Mac. Kinamayan ko siya.

"Pwede ba un? Its been twelve years... And this is my way of running away from home." pabirong sabi ko. "Kamusta na kayo? Lahat ba nandito na? At kaninong resort ito?"

"Ang sosyal mo, Papa Erick. Inglisero ka na ngayon ah." natatawang sabi ni Allan. Natawa naman ako. Sino bang mag-aakala na may mararating kaming lahat? Samantalang noon, mukha lang kaming mga timang.

"Tara,.. pasok tayo. At ang may-ari ng resort, si Rafaela.. iyong crush mo noon..." may himig ng panunukso sa mga tinig nila. Natawa lang ako. Rafaela... napangiti ako. Siya ang kontra bida sa buhay ni Grace noon. Siya ang makating dila na nagpakalat na crush ako ni Grace.

Pagpasok namin sa loob ay lalo pa akong napangiti nang makita ko ang maraming pamilyar pang mukha. Ang iba ay halos hindi ko nakilala.

"You look hot, Erick." nakangiting sabi ni Rafaela. Nginitian ko na lamang siya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin sa kanya. Unang-una, ay hindi naman ako interesado. Masaya lamang ako na nakita ko ang mga taong, noon ay kasa-kasama kong bumuo ng pangarap.

Nagkwentuhan ang lahat. Mga ala-alang, akala namin ay limot na, mga ala-alang noon ay nagpaiyak sa ilan ngunit ngayon ay nakakapagpatawa sa lahat. Nasa kalagitnaan kami ng isang masarap na kwentuhan ng biglang tumunog ang telepono ko.

"Excuse ha? Business." tumayo ako. Hindi ako nakaligtas sa pangangatyaw ng mga ugok na kaklase ko noon. Hindi naman masyadong mahalag ang tawag, tinanong lang kung kailan ulit pwedeng mag-re-schedule ng appointment ang isang kliyente. Pabalik na sana ako sa loob ng bigla akong mahalina ng dagat. Ang ganda... asul na asul ang kulay. Napapangiting pumunta ako sa dalampasigan. Tumayo roon at tumanaw ng malayo. Nakakatuwa. Hindi ko naisip na makkabalik ulit ako sa lugar na ito. Hindi ko naisip na babalik ulit ako sa Pilipinas at mas lalong hindi ko inaasahan na hindi ko pa pala nalilimot ang pangakong iyon sa kanya.

Maybe deep inside, I came here, I came home because I wanted to know how she is.... I wanted to see her...

"Tourist?" napatingin ako sa babaeng nakaupo sa may batuhan. Nakatingin siya sa akin at nakakunot ang noo. Tila nag-iisip.

"Parang ganun...." napangiti ako. "Ikaw?"

"Parang ganun din..." muli ay tumingin siya sa dagat. " I want to go home nah." she said.

"Why?" natatawang tumabi ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya na tila ba pamilyar sa akin. Na para bang hinahatak ako papalapit.

"I just want to... Anyways, may tanong ako sa'yo." napatingin muli siya sa akin. Her eyes were familiar.

"Sige.. ano iyon?" nagtatakang tanong ko. I was sure, I've seen those wide eyes somewhere...

"Saan napupunta si Araw kapag lumulubog na siya?" tumaas ang kilay ko.

"Sa bundok? Kasi doon siya sisikat kinabukasan eh." she miled widely.

"Ehhh.. Mali. Alam mo kung saan?" tanong niya.

"Saan?" natatawang tanong ko. Am I actually playing along with her?

"Sa bikini bottom. Para magising na si Patrick at si Spongebob." pagkatapos ay sibayan niya pa ng malutong na halakhak. Napakunot lalo ang noo ko. Narinig ko na ang tawang iyon noon.

"Nakakatawa diba? hindi mo kasi na-gets." bigla ay tumayo na siya. Napatayo rin ako.

"Saan ka pupunta?" bigalang tanong ko. Hindi pa siya dapat umalis. Kailangan ko munang malaman kung saan ko ba siya nakita dati.

"I'm going back to the cottage na. I'm tired. Anyways nice meeting you." tumalikod na siya. Naiwan akong nakatayo roon.

"Hey, I didn't cathch your name." sigaw ko sa kanya. Humarap siyang muli at ngumiti.

"You didn't give yours..." she said playfully. Napangiti ako.

"Erickson Garcia." wika ko, umaasa na ibibigay niya sa akin ang pangalan niya. Natigilan siya sandali. Napaawang ang mga labi at saka ngumiti. "We'll?" I asked her.

"Erickson..." she smiled at herself. "Anyways, My friends call me Gracie.... Grace Guanzon, here...." again she smiled. Pagkatapos ay nagtatakbo siya palayo sa akin, bago tuluyang mawala, humarap siya at sumigaw.

"I held on to your promise, Erick." then she waved at me. That was when I realized who she was...

"Damn that girl.." natatawang bulong ko....

No comments:

Post a Comment