Nonsense

Isang nonsense na blog.

Wednesday, May 19, 2010

J.B. (maikling kwento)

Tinahak niya ang daan patungo sa kanyang kamatayan. Mahirap para sa akin ang makita siyang gapos at nalulumbay. Katabi niya sa kanyang tagiliran ang dalawang sibil na may hawak na baril. Nilambungan ng takot ang pangamba ang aking puso. Ito na ang huling pagkakataon na masisilayan ko siya. Ang huling beses na maaari ko siyang makasama.

Natatanaw ko pa sa aking balintataw ang unang pagkakataon na siya ay aking nasilayan. May sakit noon ang aking amain sa mata at mula sa ibayong dagat ay sinadya namin ang silangan upang makipagkita sa manggagamot na iyon. Ang manggagamot na siyang nagpatibok ng akong musmos na puso. Ang manggagamot na kung tawagin ng ilan ay "Pepe."

Hindi ko na kinailangan na maghintay pa ng matagal na panahon upang suyin ako ni Pepe. Hindi na niya ako pinaghintay pa. Isang gabing marikit, lumapit sa akin si Pepe, upang kanyang isalabi ang kanyang tunay na damdamin. Ayon sa kanya, minamahal raw niya ako. Ayon sa kanya, ako raw ang katuparan ng kasiyahan at pangarap na matagal na niyang hinahanap-hanap.

Napuno ng kagalakan ang aking bpuso. Minamahal ako ni Pepe. Iisa ang harmoyang ginagalawan ng aming mga puso. At kahit iyon ang unang pagkakataong iopinabatid niya iyon sa akin. Walang pag-aatubiling ibinigay ko sa kanya ang aking kamay. Minamahal ko si Pepe at batid ko man ang panganib na maaari kong suungin sa buhay nang kasama siya, hindi ko iyon alintana. Ang mahalaga ay nasa piling ko siya.

Bumuo kami ng mundo ni Pepe na ang tanging laman ay kaming dalawa lamang. Ang mundong iyon ang tangin dahilan ng pagngiti ko sa araw-araw. Tuwing siyang magigisnan ko sa aking tabi, napupuno ng kasiyahan ang aking damdamin. Mahal ko si Pepe. Siya ang aking buhay.

Kung kaya't ganoon na lamang ang aking pighati nang dumating ang araw na akong kinatatakutan. Ang araw nang pagdakip kay Pepe. Napakadilim ng mga panahong iyon para sa akin. Binalot ng takot, pangamba at kalungkutan ang aking buong pagkatao.

Alam kong anumang sandali ay maaaring mawala siya sa akin. Maglalaho nna ang buong buhay ko sa akin. Anumang oras ay mag-iisa na lamang ako na ang tanging ala-alang madadala ay kanyang mga ngiti at abg masasayang araw na hindi ko naman mayayakap at mahahagkan.

"Huwag kang malumbay aking mahal. Hindi ka mag-iisa, kahit ako'y lilisan na."

Magagwa ko nga ba ang kanyang nais? Ang huwag malumbay at pasayahing pilit ang aking sarili, gayong papalapit na ang oras ng kanyang kamatayan?

Narating namin ang lugar na pagdarausan ng kanyang paghuhukom. Dama ko ang mabagal na pagtibok ng aking puso. Unti-unting pumapatak ang aking mga luiha. At nang makita ko ang pagtindig ni Pepe sa gitna ng Plaza ay tuluyan na akong napaiyak.


"FUEGO!"


Mariing ipinikit ko ang aking mga mata, kasabay noon ay narinig ko ang malalakas na putok ng baril. Nabalot ng kadiliman ang buong mundo ko. Wala na si Pepe... at naisin ko man na gawin ang kanyang bilin, ay hindi ko makakaya...

Si Pepe ang buhay ko. At ang kanyang kamatayan ay ang siya na ring pagtigil ng pagtibok ng puso ko...

Sunday, May 9, 2010

Her Thougths (short story)

"Magpapayat ka ha? Liligawan kita kapag pumayat ka na."


Grade six ako nang sabihin niya sa akin ang mga katagang iyon. Ang mga katagang tumatak sa isipan ko at nagpapangiti sa akin sa tuwing maaalala ko ang ngiti ng dose anyos na batang lalaking. unangt nagpadama sa akin ng tinatawag nilang, batang pag-ibig.

Pinanghawakan ko ang pangakong iyon. Kahit alam kong wala lang iyon sa kanya at hindi siya seryoso. Ano nga ba naman ang alam ng isang batang dose anyos sa pagbibitaw ng isang seryosong pangako?Pero kahit ganoon, naniwala ang puso ko sa kanya. At kahit minsan ay hindi siya nawaglit sa aking isipan.

"Erickson..." I smiled to myself. "my friends call me Gracie. Grace Guanzon here...." Nakita ko ang recognition sa mga mata niya, ngunit napalitan iyon ng pagtataka. Ngumiti ako at nagtatakbo palayo. Bago tuluyang tulyang makaalis ay hinarap ko siya.

"I held on to your pormise, Erick." sigaw ko sa kanya. Pagkasabi niyon ay tinalikuran ko siya. Napapangiti ako. Ano kayang iniisip niya ngayon? Nakangiti kaya siya, nagtataka, o baka naman naiinis? Ewan, bahala na. Basta ang alam ko lang, masaya ako ngayon.

Tumungo ako sa sircle hall. Naroon na pala ang lahay. Nakakaupo ay nagke-kwentuha. Napangiti ako. Nilibot ko ang mga mata ko at hinanap ang isang babaeng nagpilit sa akin na magpunta sa reunion na iyon.

"Gracie!" napatingin ako sa may gilid, naroon si Shandra, nakaupo at kinakawayan ako. Nilapitan ko siya.

"Bakit naman nagpaka-gilid-gilid ka?" nakatawang tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot.

"Saan ka ba galing?" tanong niya. Nagkibit-balikat ako.

"Diyan lang sa may dagat. Nagsimula na ba?" Umiling si Shandra. Ngumiti naman ako. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid. Noon sumalubong sa akin ang mga pamilyar na mukha na akala ko ay hindi ko na muli makikita. Dumako ang mga mata ko sa pinto ng circle hall, noon ko nakita si Erick na pumasok. Tila may hinahanap ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa direksyon ko. Ngumiti siya, nag-iwas ako ng tingin at nagyuko ng ulo. Kinabahan kasi ako, kumabog ang dibdib ko.


"Paupo ha?" nag-angat ako ng tingin ng marinig ko ang tinig niya. Umupo siya sa harapan ko. Ngumiti ako.

"Ano ba iyan, kakasimula lang ng reunion, may love team na agad." komento ni Shandra. Napatingin ako sa kanya, pagkatapos ay kay Erick.

"Pasensya ka na ha? Slightly delusional talaga si Shands eh..." ngumiti lamang siya. Nagsimula na ang programa. Matamang nakinig ako sa nagsasalita. Pero kahit ganoon ay damang-dama ko ang matamang pagtitig na ginagawa ni Erick. Parang sinasaulo niya ang bawat detalye ng buong pagkatao ko...

"Kung makatingin ka parang balak mo akong hambalusin ng dos por dos mamaya ha?" kahit naiilang ay biniro ko siya. Hindi naman siya sumagot. Ngumiti lamang siya. Yumuko ako, panaka-naka ay tinitingnan ko siya.

Erick smiled at me. I smiled back. Lagi lamang kaming nagngingitian sa tuwing magkakasalubong ang aming mga mata, hanggang sa bigla na lamang niyang hawakan ang kamay ko. Nakadama ako ng libu-libong boltahe ng kuryente na dmaloy sa balat ko... napaawang ang labi ko. That was when I realized something.... that puppy crush I had years ago, it did not faded away. Naroon lamang iyon... at ngayon na nagkita muli kaming damawa, nagising ulit ang munting damdaming iyon. Iba na nga lang ngayon sapagkat mas malinaw ang katotohanang nakalantad sa harapan ko ngayon.

I knew what it was, I'm not stupid, I'm not dumb. I watch this kind of films, I knew what I was looking for and I knew how it works....

Natapos ang programa, isa-isa nang nagtayuan ang mga tao at nagtungo ang mga ito palabas ng circle hall. Nanatili akong nakaupo. Maya-maya ay niyakag si Erick ng mga kaibigan niya. He looked at me first before he stood up. I just smiled. sayang, akala ko pa naman, mag-e-effort siyang kausapin pa ako... lalo na ngayon. i told him the truth but then... he just left.

Lumabas na kami ni Shandra. Nakakadama pa rin talaga ko ng panghihinayang. Sayang... pero bakit ba? Diba dapat masaya na alang ako sa kung ano ang meron? Nakita ko siya. Tama na iyon sa akin.

"Grace." narinig ko ang tinig ni Erick. Pagkatapos noon ay nadama ko ang palad niya sa mga palad ko. Hinawakan niya ang kamay ko, pinipigilan akong lumayo. Nilingon ko siya. Nginitian. My heart literally skipped a beat.

"B-bakit?" kabadong tanong ko. Binitiwan niya ang kamay ko, saka tumayo ng maayos. Tinitigan niya ako, mata sa mata.

"I..." he sighed. "You said you held on to my promise. It was surreal cause I wasn't even aware about promises that time. But you held on to it..." parang di makapaniwalang sabi niya.

"Because I believed in you." seryosong sabi ko.

"Yeah... so now..." he puased for a while, then he looked at me again. "I wanted to fulfill my promise." napanganga ako. Was he trying to tell me something?

"Pwede na ba kitang ligawan, Miss Grace Guanzon?" tila kabadong sabi niya. I smirked a little.

"Sorry..." mahinang sabi ko. Bumagsak ang mga balikat niya. Parang lungkot na lungkot siya.

"Ow..." he whispered. "I-I'll just go now..." tumalikod siya... He want the other way. Noong nasa gitna siya ng pasilyo ay tinawag ko siya.

"Psst huy!" napahinto siya. Nilingon ako. "I like coffee. How about friday? Say 4pm?"

"This friday?" he asked. I nooded.

"Yeah.. so I could have time and think about what you said... So friday?" natawa siya ng malakas.

"Hanggang ngayon patay na patay ka pa rin sa akin." pabirong sabi niya.

"We'll I didn't go to all that trouble for nothing! I mean I lost weight and I waited for you..." Erick laughed. Totoo naman ang sinasabi ko eh.

"So 4pm, Friday... See you at Coffee Java. I'll be the one waiting now, Gracie." kinilig naman ako. He said he'll be waiting. That word alone was enough to swept me off my feet and fall for him all over again...






His promise (short story)

"Magpapayat ka ha? Liligawan kita kapag pumayat ka na."


Grade six ako noong binitiwan ko ang mga katagang iyan sa isang kaklase. Hindi naman seryoso iyon. Ano ba namang alam ng isang batang dose-anyos sa isang seryosong pangako? Noon kasi crush na crush ako ng isang kong kaklase, si Grace. Noong una, hindi ko alam iyon, pero sinabi ni Grace sa isa naming kaklase at iyong kaklaseng iyon, sinabi naman sa buong klase.

Naalala ko noong araw na mangyari iyon. Umalis lang sandali si Grace para kumuha ng special exam, absent kasi siya noong nakaraang araw. Pag-alis niya, sinabi agad sa akin ng kaklase naming iyon na gusto raw niya ako.

Nakadama ako noon ng pagkagulat, nagtaka. Ang sabi ko sa sarili ko, Totoo? Crush niya ako? Gusto ako ng tabachingching na iyon? Natawa ako noon... crush niya ako. Pagbalik ni Grace sa classroom, iba na ang tingin sa kanya ng mga kaklse namin. Pagkatapos, naisip niya siguro kung bakit. Isang kaklaseng lalaki ang bumasag ng katahimikan at sinabing "Crush ni Taba si Erick!"

Nakita ko kung paano namula ang pisngi ni Grace noon, ang kasunod? Nagtatakbo siya palabas ng silid: umiiyak. Simula noon ay parang naging iwas na siya sa aming lahat. Lagi nalang siyang mag-isa. Nahihiya naman akong lapitan siya dahil sa tingin ko, ayaw niya rin na lapitan ko siya.

Hanggang sa sumapit ang graduation. Hindi ko naman gusto ang umalis na lang basta at iwanan siya ng hindi kami maayos, kung kaya nilakasan ko ang loob ko at kinausap siya.

"Grace..." ngumiti ako sa kanya.

"Ha?" panandalian siyang tumingin sa akin at nagyuko ng ulo pagkatapos. Ngumiti ako at sinabi sa kanya:

"Magpapayat ka ha? Liligawan kita kapag pumayat ka na." muli ay nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha. Ngumiti siya sa akin at saka tumango.

"Hindi ko kakalimutan iyang sinabi mo." wika niya habang naglalakad palayo.

Alam kong hindi sadya pero, naghatid ng ngiti at pag-asa sa kanya ang mga katgang iuyon, pagkatapos ng gabing iyon, bigla kong natanong sa sarili ko kung bakit ko nasabi ang mga katagang iyon. Siguro dala lamang iyon ng pagkakataon.

Napabuntong hininga ako. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon para makita kung ginawa nga ni Grace ang sinabi ko. Matapos kasi ang graduatuion, lumipad ang pamilya ko patungo ng Australia at doon na kami nanirahan. Wala akong balita kay Grace, ang huling dinig ko ay nag-aaral siya sa isang pribadong eskwelahan... pero kung pinanghawakan niya ba ang pangako ko, hindi ko alam. Siguro ay hindi. Siguro, naisip niya rin na hindi naman seryoso iyon. Pareho kaming mga bata. Wala pang alam sa mundo. At ang pangakong iyon ay hindi naman sadya.

"Erickson Garcia!" napukaw ang atensyon ko ng mga tinig na tumawag sa pangalan ko ng buong-buo. Napangiti ako ng makilala sila. Mga dating kaibigan, mga kaklase ko noong elementary.

"Akala namin di mo sisiputin ang reunion natin." natatawang sabi ni Mac. Kinamayan ko siya.

"Pwede ba un? Its been twelve years... And this is my way of running away from home." pabirong sabi ko. "Kamusta na kayo? Lahat ba nandito na? At kaninong resort ito?"

"Ang sosyal mo, Papa Erick. Inglisero ka na ngayon ah." natatawang sabi ni Allan. Natawa naman ako. Sino bang mag-aakala na may mararating kaming lahat? Samantalang noon, mukha lang kaming mga timang.

"Tara,.. pasok tayo. At ang may-ari ng resort, si Rafaela.. iyong crush mo noon..." may himig ng panunukso sa mga tinig nila. Natawa lang ako. Rafaela... napangiti ako. Siya ang kontra bida sa buhay ni Grace noon. Siya ang makating dila na nagpakalat na crush ako ni Grace.

Pagpasok namin sa loob ay lalo pa akong napangiti nang makita ko ang maraming pamilyar pang mukha. Ang iba ay halos hindi ko nakilala.

"You look hot, Erick." nakangiting sabi ni Rafaela. Nginitian ko na lamang siya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin sa kanya. Unang-una, ay hindi naman ako interesado. Masaya lamang ako na nakita ko ang mga taong, noon ay kasa-kasama kong bumuo ng pangarap.

Nagkwentuhan ang lahat. Mga ala-alang, akala namin ay limot na, mga ala-alang noon ay nagpaiyak sa ilan ngunit ngayon ay nakakapagpatawa sa lahat. Nasa kalagitnaan kami ng isang masarap na kwentuhan ng biglang tumunog ang telepono ko.

"Excuse ha? Business." tumayo ako. Hindi ako nakaligtas sa pangangatyaw ng mga ugok na kaklase ko noon. Hindi naman masyadong mahalag ang tawag, tinanong lang kung kailan ulit pwedeng mag-re-schedule ng appointment ang isang kliyente. Pabalik na sana ako sa loob ng bigla akong mahalina ng dagat. Ang ganda... asul na asul ang kulay. Napapangiting pumunta ako sa dalampasigan. Tumayo roon at tumanaw ng malayo. Nakakatuwa. Hindi ko naisip na makkabalik ulit ako sa lugar na ito. Hindi ko naisip na babalik ulit ako sa Pilipinas at mas lalong hindi ko inaasahan na hindi ko pa pala nalilimot ang pangakong iyon sa kanya.

Maybe deep inside, I came here, I came home because I wanted to know how she is.... I wanted to see her...

"Tourist?" napatingin ako sa babaeng nakaupo sa may batuhan. Nakatingin siya sa akin at nakakunot ang noo. Tila nag-iisip.

"Parang ganun...." napangiti ako. "Ikaw?"

"Parang ganun din..." muli ay tumingin siya sa dagat. " I want to go home nah." she said.

"Why?" natatawang tumabi ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya na tila ba pamilyar sa akin. Na para bang hinahatak ako papalapit.

"I just want to... Anyways, may tanong ako sa'yo." napatingin muli siya sa akin. Her eyes were familiar.

"Sige.. ano iyon?" nagtatakang tanong ko. I was sure, I've seen those wide eyes somewhere...

"Saan napupunta si Araw kapag lumulubog na siya?" tumaas ang kilay ko.

"Sa bundok? Kasi doon siya sisikat kinabukasan eh." she miled widely.

"Ehhh.. Mali. Alam mo kung saan?" tanong niya.

"Saan?" natatawang tanong ko. Am I actually playing along with her?

"Sa bikini bottom. Para magising na si Patrick at si Spongebob." pagkatapos ay sibayan niya pa ng malutong na halakhak. Napakunot lalo ang noo ko. Narinig ko na ang tawang iyon noon.

"Nakakatawa diba? hindi mo kasi na-gets." bigla ay tumayo na siya. Napatayo rin ako.

"Saan ka pupunta?" bigalang tanong ko. Hindi pa siya dapat umalis. Kailangan ko munang malaman kung saan ko ba siya nakita dati.

"I'm going back to the cottage na. I'm tired. Anyways nice meeting you." tumalikod na siya. Naiwan akong nakatayo roon.

"Hey, I didn't cathch your name." sigaw ko sa kanya. Humarap siyang muli at ngumiti.

"You didn't give yours..." she said playfully. Napangiti ako.

"Erickson Garcia." wika ko, umaasa na ibibigay niya sa akin ang pangalan niya. Natigilan siya sandali. Napaawang ang mga labi at saka ngumiti. "We'll?" I asked her.

"Erickson..." she smiled at herself. "Anyways, My friends call me Gracie.... Grace Guanzon, here...." again she smiled. Pagkatapos ay nagtatakbo siya palayo sa akin, bago tuluyang mawala, humarap siya at sumigaw.

"I held on to your promise, Erick." then she waved at me. That was when I realized who she was...

"Damn that girl.." natatawang bulong ko....

X and Y (short story)

"Sana umulan.." paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na sana nga umulan. Alam ko naman kasi na kapag umulan, may posibilidad na maaga kaming pauwiin. Ayoko ko kasi ng last subject namin, Assessmet I, nakakainip, puro solving. Nakakapagtaka nga eh, kung education student ka at Filipino ang major mo, ano ang kinalaman ng Math sa buhay mo? Wala diba? nagagamit lang naman ang Math kapag i-ko-compute mo na ang grade ng mga estudyante. Naghikab ako. Antok na antok na ako, tiningnan ko ang suto kong relo, mag-a-alas kwatro pa lang ng hapon. Gustong-gusto ko na talagang umuwi.

"Pot, gising ka pa ba?" tanong sa akin ng kaklase ko. Natawa naman ako, bakit niya natanong? Pikit na ba ang isang mata ko?

"Oo, pot... antok na antok na ako. Nasaan na ba si sir? Dapat ma-late siya ng fifteen minutes para pwede na natin siyang layasan." seryosong sabi ko. Gusto ko na talagang umuwi.

"Ikaw talaga pot...umayos ka nga." hinatak niya ang buhok ko. Infairness, medyo nahimasmasan ako. Nagpalinga-linga ako sa loob ng silid aralan. Nakatayo pa ang iba kong mga kaklase... nagkekwentuhan.. nagtatawanan, iyong iba, napapakasakim, kumakain ng hindi namimigay.

"Guys, andyan na si Sir!" parang mga highschool students na naipon ang mga kaklase ko, isa-isa silang nagsi-upuan sa kanya-kanyang mga pwesto, habang ako, natatawang pinapanood sila.

"Mga adik..." bulong ko. Maya-maya ay nakita kong nakatayo na si Sir sa may pinto. Nakangiti siya.

"Page 123 - 136, assignment, pasa ninyo bukas. tapos ngayon pwede na kayong umuwi, baka umulan kasi. Hindi ako makakauwi ng maaga." tumaas ang kilay ko. Page 123-136?! Ano ito? Take home finals? Binuksan ko ang libro ko at nang makita ko ang sasagutan, puro X and Y.. may mean, median, mode pa. Nauta ako.. kailangan ba talaga sa buhay iyang X and Y na iyan?

"Gosh ah..." napailing ako at isinara ko ang libro. Tumayo ako at saka binalingan ang mga kaklase ko.

"Pot uwi na ako. Wala akong dalang payong." hindi man lang nila ako tiningnan. Busy kasi sila sa pag-aayos ng buhok, mukha at sarili nila. The thing with this girls are, they cannot go out in public without make up.

"Ingat ka, pot..." sabi nila pero sa salamin nakatingin. Inismiran ko sila. Lumabas na ako ng room at nagtuloy-tuloy patungo sa main gate ng school. Tumingala ako, uulan talaga, promise, iba ang ihip ng hangin, iba rin ang kulay ng kalangitan. Sana talaga umulan..

"Umulan ka na, boy..." biglang sabi ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sa isip ko, nakikita ko pa rin ang sangkatutak kong assignment. Naglakad ako ng naglakad. Wala eh.. nauuta talaga ako. Ayoko kasi talaga ng Math.

Pagliko ko sa kanto malapit sa Center Plaza Mall, may humawak sa braso ko. Medyo nagulat ako kaya ayon, hindi man sadya ay hinampas ko sa balikat ang taong iyon.

"Aray!" pagdaing nito. "Ang bigat talaga ng kamay mo!" sigaw pa niya sa akin. Namilog naman ang mga mata ko ng makilala ko kung sino ang nasa harapan ko.

"Andrew..." natatawang sabi ko. "Anong ginagawa mo diyan?"

"Ikaw bakit mo ako hinampas?" medyo nakakunot ang noo niya.

"Akala ko, agaw bag ka eh." sabi ko pa. Tumitig ako sa kanya. "Ikaw ba talaga iyan?"

"Bakit sino pa ba? Adik ito. Agaw bag, di uso iyon. Ang sakit ah..." natawa ako. Muli ay tumitig ako sa kanya. Noon ko lang naisip na, Oo, namiss ko nga siya. Ilang buwan ko ba siyang hindi nakikita? Ewan.. mas madali kasing sabihin ang mga araw na nakikita ko siya. Sa loob ng pitong taon na kilala ko siya, limang beses lamang kami kung magkita.

Nakilala ko si Andrew noong nasa high school pa lang ako. Noong una ay hindi pa kami gaanong malapit, pero sa huli, natagpuan ko na lamang ang sarili ko na lagi siyang kasama, kakwentuhan at kasama sa pagcka-cutting classes.. Third year highschool ako noon, isang buong taon na magbarkada kami, pero tulad ng bawat kabanata sa ating buhay ay natapos ang isang taon.. madalang na kaming magkita, nagluko kasi siya sa pag-aaral. Habang ako, naging abala. Pero kahit ganoon, itinuring ko pa rin siyang isa sa pinakamatalik kong kaibigan.

"Saan ka galing?" tanong niya sa akin.

"Sa school." sagot ko sa kanya.

"Saan ka pupunta.." muling tanong niya.

"Uuwi na." muling sagot ko.

"Bakit ka uuwi." sabi ulit niya.

"Eh gusto ko kasing matulog." pigil ang tawang sagot ko.

"Namiss mo ba ako?" nanlaki ang mga mata ko. Ninuohan ko siya.

"Mali! Dapat ang tanong mo ay kung bakit gusto kong matulog. Ang labo mo kausap, diyan ka na nga." tumalikod ako upang maglakad, pero kasabay ng pagtalikod ko ay ang biglaang pagpatak ng ulan. Malaaki ang patak niyon at agad nabasa ang paligid.

"Yehey! Umulan!" nakatawang sabi ni Andrew. Napatingin ako sa kanya. Nakasuot siya ng brown na hoodie jacket. Nakapasok ang mga kaya sa bulsa niyon at nakatingala sa langit.

"Gusto mo rin na umulan?" namamanghang tanong ko. Hindi siya tumingin sa akin.

"Oo. Umuulan.. haha.. Ang saya." bigla ay binalingan niya ako.

"Rin? Bakit gusto mo rin ng ulan?" tumango ako. Ang galing, kahit magkalayo kami ay pareho kami ng iniisip. We both wanted it to rain... Napangiti ako, kaya ko gustong umulan dahil alam kong makikita ko siya ngayon. Kapag umulan, may posibilidad na makausap ko siya, makasama kahit panandalian lang.


"Teka, naka-uniform ako." dali-daling sumilong ako sa may - one stop shop sa city hall. Sarado ang bintana niyon, ibig sabihin, walang transakyon na nagaganap. Nakita ko na sumusunod siya sa akin. Tumayo siya sa tabi ko. Pareho kaming nakatingin sa malayo... tinatanaw ko ang plaza mayor. Tinitigan ko ang estatwa ni Rizal. Bigla ay natawa ako, may naisip kasi ako bigla.

"Si Rizal, kunwari pang pormal, kapag nadinig niyan ang "single ladies" kemkendeng iyan." biglang sabi ni Andew. Natawa lalo ako.

"Iniisip ko din iyon eh..." bigla ay natigilan ako. "We have the same ideas and thoughts and yet we can never be together." hindi sumagot si Andrew.. naramdaman ko na lang na hinahawakan niya ang hinliliit ko.Huminga siya ng malalim.

"Sadyang kaaway lang natin ang tadhana at panahon. Pero masaya naman ako kahit ganito lang tayo, Zelle." ngumiti siya. Tumitig ako sa kanya. Ang hirap na mahal ninyo ang isa't-isa pero hindi naman kayo pwedeng magsama.

Mahal ko si Andrew... at mahal rin niya ako, pero magkaibigan lang kami. Hindi kami pwede, may girlfriend siya habang ako, tahimik na naghihintay sa kanya.

Hindi kami pwede... at iyon ang masakit. Hanggang dito lang kami, magkaibigang matalik na minsan lang magkita... pero mahal namin ang isa't-isa.

"Naisip ko, para tayong X and Y..." kumunot ang noo niya.

"X and Y...bakit?" tanong niya...

"Pwede tayong magsama pero sa huli, nahahanap ni X ang value niya, habang si Y, maiiwan na lang basta... Ikaw si X.. at ako si Y. Two letters that can be together in a math problem but they can never end up with each other..." huminga ako ng malalim. Ayoko ng Math... masyadong komplikado. Parang kaming dalawa ni Andrew...

Torn Between (Monica and Gabriel) end

"What the hell is going on, Monica?" Gabriel's voice was like a roar of thunder. Muntik na akong mapaiyak ng marinig ko ang mga salitang iyon. Inaasahan ko kasi na matutuwa si Gabriel na nakita na kami. Na mag-uusap na kaim. pero bakit ganito? Wala na ba akong halaga sa kanya?

"Gab naman eh..." pigil ang luhang sabi ko. Nakita kong napailing si Gab. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay umiling siya. Bigla na lang siyang tumalikod. Napaawang ang labi ko. Aalis ba siya? pero hindi pwede. Hindi naman ako nagpakahirap ng ganito para lang layasan ako ni Gabriel. Mabilis na hinubad ko ang suot kong four inches na hees. Nakakinis naman kasi si megan, sabi ko, pagmukhain niya akong prinsesa, pero hindi ko naman naisip na gagwin niya kong literal na mukhang tanga. Mabilis na tumakbo ako. Wala na akong pakialam kung mukha talaga akong tanga, kailangan kong pigilan si Gabriel. Hindi pa kami nakakapg-usap. Nang maabutan ko siya, niyakap ko siya mula sa likura. Tuluyan ng nalaglag ang mga luha ko. Napahagulgol ako ng malakas. I have this bad feeling that my life is leaving before my eyes.

"G-gab..." pasinghap-singhap na sabi ko. "D-dito ka lang... P-please... Dito ka na lang..." nagmamakawang sabi ko. I knew i sounded so pathetic right now. I never thought that I would ask someone to stay even if I know that they want to leave me... I told myself before that I will never beg for someone's love, but when it comes to Gabriel... everything I said, I forgot...

"Gabriel, dito ka na lang..." umiiyak na sabi ko. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. He was trying to make me let go. But I held on tighter, giving him no space to move.

"Huwag mo kong iiwan... Kailangan kita..." humahagulgol na sabi ko. I heard Gabriel sigh. Then he forced me to let go of him. Wala akong nagawa, mas malakas si Gabriel sa akin. Even if I wanted so much to hold on and be with him, I couldn't do anything. I let him go, pagkatapos ay humarap siya sa akin. Lumakad siya papalayo.

"Gabriel..." tawag ko sa kanya. He raised his left hand. He was telling me to shut up.

"Stay there, Monica. Wipe your tears. I'll be here." itinuro niya ang kinatatayuan niya. At least hindi siya aalis, diba? I took a deep breath. Tinitigan ko si Gabriel. Napasok ang kamay niya sa bulsa ng itim niyang jacket... nang makita ko iyon, doon ko lang naramdaman na malamig pala. Bigla ay nayakap ko ang sarili ko. Gabruiel sighed. I looked at him again, I saw him taking off his jacket, then tossing it over me.

"Wear that." he commanded. Ginawa ko naman ang sinabi niya. Naisip ko kasi na baka kapag nagreklamo pa ako, bigla na lang siyang umalis. Ang main goal ko ngayon gabi ay bawiin ang Gabriel. At ang makasama siya habambuhay. Huminga ako ng malalim.

"What the hell is going on?" he asked in a much calmer voice. "Did you told those guys to kidnap me?" bakas sa boses ni Gabriel ang pagkapikon, napalunok ako. Alam ko naman kung paano magalit si Gab eh, kaya lang mas natatakot ako sa kanya kapag kalamdo siya, mas nararamdaman ko kasi ang tensyon.

"Actually... Auric was the one who told those guys to kidnap you." nakita kong kumunot ang noo ni Gab. Nakakatakot talaga siya.

"At bakit naman niya gagawin iyon?" pikon na tanong niya. Muli na namang tumulo ang luha ko. Bakit hindi niya makita ang layunin ko?

"Kasi gusto niya na magkausap tayo. It was kind of his gesture of helping me." ngumisi si Gabriel Pagkatapos ay tumawa siya ng pagak.

"He's your boyfriend. Why would he want to do that?" sarkastikong tanong niya. Lalo akong napaiyak sa inis. Yumuko ako at pumulot ng bato sa lupa. Ibinato ko iyon kay Gabriel. Nakailag naman siya.

"Bobo ka ba? O sadyang nagtatanga-tangahan lang?" humihikbing sigaw ko. "Hindi mo ba nakikita? Wala na kami ni Auric. Kasi naisip ko na hindi naman pala talaga siya iyong gusto ko. I was just too caught up with the idea of having options that when Auric and Paolo came along, I didn't realized that I was just blinded by the attention they're giving me. I never really realized that it was you. You all along. It was you that I need and I want because I love you, stupid moron!" umiiyak na parang bata na sigaw ko. I know... i looked so stupid right now. Wala na... heto natalaga ito. Sinabi ko na kay Gabriel... and he was just standing there.. looking at me like he have seen a ghost or something.

"Remember what you told me on my 18th birthday? That everything in my life was just the same and that the only difference was in me? We'll you're wrong Gabriel... Walang nagbago, what I feel for you now, I fell for you then. It took me nearly losing you before I realized the truth. The truth that I want to spend my life with you... and that I love you so much. Ikaw iyong nakikita kong kasama kong naglalakad sa beach, magkahawak tayo ng kamay, masaya. Ikaw iyong nakikita kong kasama kong nagbabasa ng libro, when I'm nearly 65 years old. Ikaw lang Gab... ikaw lang, kasi nga maha na mahal kita. At hindi ko na lama kung kaya ko pang mag-survive ng isa pang araw o linggo o buwan ng wala ka sa tabi ko..." hilam na hilam na ang mga mata ko sa luha. Inis na na inis na ako sa sarili ko. Hindi naman ganito ang plinano kong gabi. It was supposed to be quiet and romantic...but it turned out to be a disaster.

"Why are you doing this?" tanong pa niya. Napapapdyak ako sa sobrang frustration.

"Dahil naiinip na ako. Hindi ko na kayang hintayin pa na ang destiny ang gumawa ng paraan para magkausap tayo!" inis na sigaw ko. bakit ba ang tanga ng kausap ko?

"Kaya mo ako, pinakidnap? Kaya ka nagsuot ng pathetic na gown?" nanunudyong sabi niya. Nakuha pa akong insultuhin ng mokong na ito!

"You bought this gown for me!" i said to him. he shook his head.

"I bought that because you said you like it." he said in a-matter-of-fact tone. Inis na inis na ako. Bakit ba umaakto siya na para bang wala siyang narinig?

"That's not the issue, Gabriel." galit na sabi ko. Tumawa siya ng malakas.

"Then what's the issue?" tila nanunudyong tanong pa niya.

"We are the issue. Iyon tila ba ayaw mo akong pakinggan. Hindi mo ba nakikita, I'm saying this words... I'm giving you mu romantic speech, so just focus." nakikiusap na pahayag ko. Gabriel, smled again. Then the expression on his face, turned serious.

"I can't. I couldn't just stand here, looking at you and focus on whatever you want to say when all I can think about is how much I want to grab you by the hand, pull you closer an kiss you." habang sinasabi niya iyon, nakatingin lamang siya sa mga mata ko, pakiramdam ko, tinutunaw ang puso ko. Ano bang ibig sabihin noon? Na okay na kami? May sumilay na mga ngiti sa labi ko.

"Akala mo ba natutuwa ako sa ginagawa mo?" tila galit na sabi ko. Kumunot ang noo ni Gabriel. "hindi ako natutuwa... kasi... kasi... kasi kinikilig ako. Pero hindi iyon iyong point! Makinig ka muna sa akin." Gabriel "Sshhhh" me. Bigla ko tuloy naitikom ang bibig ko.

"Isang tanong, isang sagot Monica. Mahal mo ba ako?" may diin ang bawat salitang binitiwan niya. Lumabi ako. Do I really have to spell it out?

"Mahal..." bulong ko. Napayuko ako.

"What's that? I didn't hear you." he was making fun of me again.

"Mahal nga kita! Bingi!" sigaw ko. Biglang sumeryoso si Gabriel.

"I don't need to hear phony romantic speeches. That's enough for me, Monica. Those three signioficant words mean the world to me. After all, that's what I've been wanting to hear from you." muli ay natunaw na naman ang puso ko. He's so sweet. Unti-unti nang lumakad si gabruel, patungo sa akin. He took my right bhand, kissed it and put it over his shoulder. He did the same on my left hand.

"Sorry if I have hurt you..." he said as he put his hand over my waist. "Ayoko kasing masaktan ka na naman dahil sa akin. Tulad na lang noong nanagyari sa'yo noong naaksidente ka. Natakot ako noon na baka mawala ka dahil lang sa kabobohan ko." napaiyak na naman ako.

"That was really you?" I asked stupidly. Gabriel nodded. Ngumiti ako. Nabakas sa mukha niya ang hapis.

"Its okay... Okay lang iyon. Alam ko naman talaga na ikaw iyon, Gab... Ayos lang na masaktan ako. Basta para sa'yo." napangiwi ako ng kaunti. Mas maganda kasi iyong mga salitang iyon noong nasa utak ko siya. Pero noong sinabi ko, parang tunog corny.

"Teka..." bigla ay nasdabi ko. "May sasabihin pa pala ako sa'yo." Gab put his finger over my lips.

"Save it, babe. I have forever to listen to you. But now let's just dance." napangiti ako... forever, that sounded beautiful. Hindi naman ako naniniwala sa forever eh, pero ngayong sinasabi ni Gabriel sa akin, na may forever kami. Naniniwala na ako. Gustong-gusto kong maniwala.

"Hindi... teka lang kasi---" Gabriel cut me off with a kiss. A kiss that made me feel that I'm the most beautuful and the most important person in his life... After sometime, he pulled away.

"What are you saying?" he aske. nag-isip naman ako. Ano na nga bang sinasabi ko?

"I forgot..." I said. Gabriel smiled with satifaction in his eyes.

"Good..." then he kissed me again. It was a very beautiful night, an evening when I became the only princess in my Gabriel's life. Yes, my Gabriel. He's mine and I'm his. All mine and nobody can ever take him away from me. No one can ever change that. Kahit siguro maulit pa ng ilang beses ang buhay ko, kahit na gaano karaming Dream Guy at Perfect Guy ang dumating sa buhay ko, isang tao lang ang pipiliin ko, ang Best friend ko... but only now, his not my Best friend anymore... he is mow my boyfriend. And that sounded so good... My Gabriel. My boyfriend...

Perfect Love Story (end)

I am putting Reed on a box. Everything that reminds me of him, all his memories, it belongs to the box now. I know that it will not be easy for me, but I'll try my best to move on and let all his memories go. I sighed. Ngayon ang flight ko papuntang Cebu. Dalawang oras mula ngayon ay haharapin ko na ang bagong kabanata ng buhay ko. Ang buhay na wala si Reed. Siguro nga tama si Ike, dapat hindi na ako umasa na magkakaroon pa ako ng happy ending kasama si Reed. Kung meron man, malamang ibang tao ang kasama ko. Dapat nga pag-aralan ko na hindi na isipin si Reed. Tuturuan ko na ang puso ko na hindi siya mahalin, siguro sa ganitong paraan, mas magiging madali ang paglimot.

"Bebe..." narinig kong tawag ni Ike. hindi ko siya pinansin. Ipinagpatuyloy ko ang pag-e-empake. Wala ako sa mood para makipag-usapo ngayon. GVusto ko muna ng serenity para sa sarili ko. Quiet time to think about my actions.

"Maria Elizabeth!" singhal ni Ike sa akin. Naiinis na hinarap ko siya.

"Bakit ba?! Hindi mo ba nakikita na busy ako?! Tigilan mo nga muna ako Isaac! At huwag mong kabuuin ang pangalan ko!" Ipinagpatuloy ko ang pag-e-empake. Hindi ko pinasin si Ike.

"Bebe.." malumanay na sabi niya. "I think that you should go watch the news first before you continue packing." naiinis na hinarap ko si Ike.

"Bakit? may guidelines ba ng tamang pag-eempake sa balita? ano naman ang kinalaman ng balita sa buhay ko? Pwede ba Ike? Tigilan mo muna ako!" laking gulat ko ng
hawakan ni Ike ang braso ko at hinatak ako palabas ng kwarto, kinaladkad niya ako pababa ng hagdan at dinala sa kusina kung saan bukas ang tv. Isang drama series na panghapon ang labas.

"I can't see why i have to watch this show? Ano naman ang ikabubuti sa buhay ko kung malaman ni Ella na si Vira pala ang kakambal niya?" sarkastikong sabi ko kay Ike. Ilang minuto pa ang lumipas ay nag-news flash na.

"Ayan, news na ulit." kahit naiinis ay pilit na pinanuod ko ang balita. ano bang problema ni Ike? at ano bang meron sa balita? Nasagot ang tanong ko ng magsimula nang magreprty ang news anchor.

Nakilala na ang lalaking umakyat sa isang billborad sa Super Avenue. Matatandaan na namataan ang lalaki na umaakyat sa billboard ni Reed dela Fuente kaninang alad-dose ng tanghali. Atr ngayon, makalipas ang isang oras ay nakilala na ang lalaking umakyat sa billboard na iyon, ito ay walang iba kundi si Reed dela Fuente, mismo. Pagkatapos magsalita ng babae ay ipinakita ang isang live coverage ng pangyayari sa mismong lugar. Oo, may lalaki nga sa billboard ni Reed at oo, bulto ni Reed ang nakikita ko sa telebisyon.

Takot, kaba at pag-aalala ang bumalot sa buong pagkatao ko. Ano ba ang pumasok sa isip ni Reed at inakyat niya ang billboard naiya? Tranga ba siya? Nababaliw o sadyang gusto na niang tapusin ang kanyang buhay? Nanginginig na hinarap ko si Ike.

"What are youy still doing there? Get the damn car!" agad namang tumakbo si Ike at kaagad ko naman siyang sinundan. Mabilis na sumakay ako sa kotse, nananalangain na sana hindi pa tumalon si Reed. Huwag naman sanang pasukin ng hangin ang utak nia at bigla na lang siyang tumalon doon. Kung saklali man na makababa ng buhay si Reed sa billborad na iyon. Babatukan ko sia ng bonngang-bongga.

"Why is he doing this?" frustrated na tanong ko. Bigla ay may naalala ako....

"Ano bang kailangan kong gawin para maniwala ka na mahal kita?" tanong ni Reed sa akin. Tumingin ako sa kanya at nagkibit-balikat.

"Ewan... tumalon ka sa billboard mo..."


"T*ng In*..." bigla ay napamura ako. "Bilisan mong magmaneho!" Naiiyak na sabi ko. Sh*t, Reed is doing this for me. I cannot belive it. Bubugbugin ko talaga ang gunggong na iyon pagnakababa siya ng billboard. Sana naman walang mangyaring masama sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag tumalon nga siya sa billborad niya.

After for what seems like an Eternity, nakarating din kami ni Ike sa lugar. Mareami na ang miron, may pulis, may swat, may bumbero at isang damakamak na mga reporters.

"Excuse me!" sigaw ko habang pilit pinagkakasya ang sarili ko sa lawa ng mga taong nakapaligid sa lugar. nang makarating ako sa gitna ay namataan ko si Vince, si Anca at Cedrik. Great, naunahan na pala nila ako.

"I've been trying to call you." sabi ni Anca ng makita niya ako. Tiningala ko ang kinalalagyan ni Reed. Napakataas pala n g billboard niya. Ano bang ginagawa niya?

"Mr. Dela Fuente, Sir... maghunos-dili kayo, pwede natin itong daanin sa magandang usapan." bigla ay nagsalita ang pulis sa tabi ko. Tinitigan ko ang pulis at mabilis na kinuha sa kanya ang mega-phone.

"Oy! Rodencio! Ano bang problema mo? Bumaba ka nga dito?!" nanginging ang boses na isinigaw ko sa kanya. Laking gulat ko ng sumigaw si Reed. ang ungas may baon ding megaphone.

"Ashlee?! Ikaw ba iyan?!" tanong niya sa akin.

"OO, si Ashlee siya?!" singit naman ni Ike. Inirapan ko siya at saka binatukan. Muli ay kinausap ko si Reed.

"UNgas ka talaga. Bumaba ka nga dito?!" please naman..sana naman makinig siya.

"Mahal kita! Diba sabi mo maniniwala ka lang na mahal kita kapg tumalon ako dito! Mahal talaga kita!" ungas talaga siya. Naiiyak na nagsalita ako.

"Kung mahal mo ako, bababa ka dito!" pinahid ko ang mga luha ko. Nakarinig ako ng mga "oohhhss and ahhhs" galing sa mga miron. lalo akong nakadama ng inis.

"Mahal kita, Ashlee... sorry kung nasaktan kita ng maraming beses. Hindi ko kayang ipaliwanag kung akit hinayaan kong magnikha kang tanga pero ang alam ko lang noon, natatakot ako na baka pag sinabi ko na mahal kita, mawala ka na lang bigla. Lagi kong sinasabi noon na natatakot akong saktan ka, pero ang totoo, ako ang natatakot masaktan. Mahal na mahal kita! Maniwala ka nam an ansana sa akin.!" tuluyan na akong napaiyak. Its amazing how this man can play with my emotions. Shit talaga siya.

"Mahal kita... naniniwala ka na ba sa akin?"

"Does it matter now? Just get your damn ass down here, right now!"umiiyak na sigaw ko. Alam ko dapat akong matakot at mag-alala, pero sa kabila ng sitwasyon naming dalawa, masaya ako. Romatic... iyon ang tawag sa senaryo naming dalawa.

"Miss, bakit ba hindi mo na lang sabihin na naniniwala ka sa kanya at mahal mo na rin siya, para matapos na ang lahat ng ito ngayon?" Tinitigan ko ang babeng nagsalita.

"At sino ka nman para magsalita ng ganyan sa akin? Close tayo?" Laking asar ko ng iabot niya sa akin ang kanyang kamay at nagpakilala.

"Unica Hija Ocampo. Una for short." nakangiting sabi pa niya.

"Do i look like i care?" Muli ay tiningala ko si Reed. Sa pagkakataong iyon ay nakatayo na siya sa dulo ng isang debris. Muli ay sumigaw ako.

"Dammit! Reed! Don't jump!" but it was as if he didn't here me because he jumped! Huminto ang tibok ng puso ko. kasabay noon ang sabay-sabay na pagsigaw ng mga tao sa paligid ko. Napapikit ako ng mariin. at nagdasal kay bro na sana panaginip lang ang lahat ng ito. sana hin di ito nangyayari. Napadilat lang ako ng marinig kong nagpalakpakan ang mga tao. Bakit kaya? naang tingalain ko si Reed ay bukas na ang parachute na nasa likod niya at muling bumukal ang luha sa mga mata ko ng maintindihan ko ang mga salitang nakasulat sa parachute na suot niya. It says: I Love you, Elizabeth.

Papalapit ng papalapit si Reed sa lupa. Ilang minuto ang nakalipas ng tuluyan siyang makababa. he landed safetly and he walked towards me. True to my word, binatukan ko si Reed ng makalapit siya sa akin.

"Naniniwala ka na ba?" tanong niya, maya-maya. Sinampal ko sia.

"Ungas ka talaga! Pano kung napahamak ka? paano kung hindi buukas ang parachute na baon mo eh di sana pinaglalamayan ka na ngayon. kahit kailan talaga hindi ka nag-iisip!"

"Ashlee... hindi mo ba nakikita? Kaya kong gawing posible lahat ng imposible para sa'yo, ganyan kita kamahl. Kahit hilingin mo pa sa akin na tumalon ako sa Empire state building, gagawin ko, makita mo lang na totoo ang nararamndaman ko para sa'yo." Ano pa bang sasabihin ko? Naniniwala na ako eh. Maha ako ni Reed.

"Dapat sinabi mo na lang na mahal mo ako." natawa si Reed.

"Ginawa ko naman iyon diba? Pero hindi ka naniwala. Kaya ginawa ko ito. Imposible man pakinggan pero kaya kong gawin basta para sa'yo." Tsaka naisip ko, kailangan na nng happy ending ng love story natin. Masyado na kasing mahabang panahon ang nasayang nating dalawa." tumango ako. i couldn't agree more. Ang saya-sya ko. Kailan ba nangyari sa akin na lahat ng gusto ko ay natutupad? Ngayon lang yata.

"Tell me again that you love me." utos ko kay Reed. Dahan-dahan niang inilapit sa akin ang mukha nia.

"I love you...so much..." then after that, he bent down and kissed my lips. Hindi naman na kailngan pang magsabi si Reed ng kung ano-ano pang romantic words and sweet nothings. Tama na na ipagsigawan niya sa buong mundo na ako ang mha niya. After a while, Reed faced the reportes.

"You see this lady? I love her... And soon enough... she'll be my wife..." he lokked at me and put out a ring from his pocket. "That is, if she'll have me..."

"of course..." napapatango ako habang naiiyak. Nasabi ko na ba na ito ang katuparan ng love story ko. Hindi ko man hindiling pero perfect...iyon ang salitang makapalalarawan sa aming kwento... ang saya-sya ko.

"C'mon, lets get out of here..." Reed held my hand and we walked towards the sea of people that surrounds us both. Ang saya-saya ko. Sino ba nman ang mag-aakala na hahantong kami ni Reed sa ganito? parang kailan lang... kulang na lang ipapatay ko si REed dahil sa sobrang sakit na
idnulot niya sa akin.

"Ash.." tawag ni Reed sa akin..

"Hmmmnnn.." nakangiting tiningnan ko siya.

"Ilan ang gusto mong maging anak?" natatwang sabi niya."

"Lima... isang kambal tapos isang triplets...para lima pero dalawang bagsakan lang." napahalakhak si Reed, natawa rin ako. He squeezed my hand and i smiled back at him. I know after these day, Reed and I will start to live a happily ever after.

Mr. Wrong (end)

Dahan-dahan kong inilagay ang "package" na ipinadala sa akin kaninang umaga. Sino kaya talagang nagpadala noon? At paano naman niya nalaman na may galit ako kay Ashlee at naiinis ako kay Dax?

Speaking of Dax... ano na kayang ginagawa niya? Magkasama kaya sila ng babaing iyon? Sana kahit man lang paano ay maisipan niya akong kausapin. Miss na miss ko na kasi siya. Gusto ko na ulit siyang makita. Gusto ko na ulit makita ang nakakaloko niyang ngisi.

"Hay..." napabuntong hininga ako. Isasara ko na ang trunk ng sasakyan ng may mapansin akong liwanag galing sa isa pang sasakyan. Pasimpleng sumilip ako. Sino kaya iyon? Halos sarado na lahat ng establishments sa compound. Isang puting range rover ang nakita ko. Huminto ito sa tapat ng sasakyan ko. Maya-maya ay umibis mula rito si Dax. Kumabog ang dibdib ko. Heto na siya, Cielo...Nasa harap mo na siya...

"Hi..." he said to me. He tried to smile but the smile turned into a smirk. I realized that i haven't seen Dax thsi close for the longest time. Tila namayat ito... Malalaki ang bilog sa ilalim ng mnga mata nito. Tila pagod na pagod siya.

"Anong ginagawa mo dito?" stupid question, i know but i couldn't think of anything to say. He sighed.

"I'll...we'll..." he sighed again... "I just want you to know that i'm leaving for L.A. tomorrow." My heart stopped beating. Everything in my world, turned black. A tsunami just washed over everything i he. Without Dax, there's no world for me...

"A-ano?" natatangang tanong ko. Nakapa ko ang isang waterball na laman ng kahon. Kinuha ko iyon at ibinato kay Dax.

"Aalis ka?" muli ay binato ko siya. "Pagkatapos mo akong pakiligin. Pagkatapos mo kong halikan, pagkatapos mong sabihin na mahal mo ako aalis ka?" humahagulgol na litanya ko. I keep throwing the water balls to Dax. Ngayon mukha na siyang naligo sa ulan.

"Ano ba, Cielo? Stop it. Dammit woman! I said Stop It!"nakataas ang mga kamay nito. Panangga sa mga ibinabato ko sa kanya. "What the hell do you want me to do?" na-pu-frustrate na tanong nito.

"Gusto ko sabihin mo sa akin na hindi ka na aalis. Gusto ko mangako ka na hindi mo ako iiwan. Gusto ko na hawakan mo ang mga kamay ko at sabihin mo sa akin na mahal mo ako, kasi ako mahal kita. Tanga!" binato ko ulit siya ng waterball. Hinayaan kong umagos ang luha ko. Alam ko mukha kaming tanga, pero wala akong pakialam. Tinitigan ko si Dax. Mukha na siyang bagong ligo, iyon nga lang mukha siyang hindi bingyan ng tuwlaya. Tumutulo na tubig mula sa laylayan ng damit at mula sa dulo ng buhok nito. Hilam na rin ang mukha nito sa tubig na mula sa lobo.

"I hate you Dax. Your always making me cry. Your always hurting me. But most of all i hate the fact that i couldn't hate you because I'm so in love with you."humihikbing sabi ko.

"Alam mo ba kung gaano kasakit na makita ka kasama ng iba? Ang saya-saya mo, tapos ako parang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil nakita kita na kasama mo siya." tinapunan ko siya ng tingin. Nakangisi ito. Maya-maya ay bigla itong humalakhak. ANo ba? Laro lang ba ito para sa kanya?

"Mahal mo ako?" natatawang sabi nito.

"Oo, tanga! Bakit hindi mo narinig?" binato ko siya ng waterball. Agad naman itoing tumigil sa pagtawa.

"Napakahalimaw mong babae ka! Ano ba? Ganyan ba ang nagmamahal?" Naiinis na sambit nito. Dumapot ako ng dalawang bola at ibinato ko ito sa kaya ng sabay.

"Why do always talk to me that way? Why can;t you be just like every other guys? Sweet and romantic..." reklamo ko. Bigala ay sumeryoso ang mukha nito.

"Cielo, if you want me to say pretty words, i don't know how to do that. I thought saying i love you is enough, i had never told any woman i love them, but i will do my best to make you happy. I'm sure we'll fight and do everything that couples do, but i can only promise you one thing." he said...his eyes were glued on me...

"What's that..." i asked...

"To love you even when i hate you..." Napaiyak ako. Ang saya-saya ko naman ngayon. Sinabi muli ni Dax na mahal niya ako. Mahal niya ako. At mahal ko siya...

"Come here.." he said to me. I smiled and walked towards him, he was all wet but when he hugged me, i gave in. That was the warmest hug i had ever been given...

"Hindi na ako aalis... Hindi kita iiwan...Mahal kita..." he kissed the top of my head. He pulled me closer that i can almost hear the beat of his heart.

"Hindi mo girlfriend si Ashlee...?" naninigurong tanong ko. Kumalas si Dax sa pagyakap sa akin at pinindot ang ilong ko.

"Selosa...."bulong niya. "Hindi ko girlfriend si Ashlee...May sapak iyon..." Napangiti ako.. habang si Dax ay matamang nakatingin sa akin.

"Naaalala mo pa ba nung binato mo ako ng sapatos noon?" napahagikgik ako. Oo naman noh... nagka-black eye pa nga siya noon eh...

"Oo..bakit naman..."pigil ang tawang tanong ko.

"Noong gabing binato mo ako ng sapatos, iyon din ang gabi kung kailan napagtanto ko na mahal na mahal kita. Noong gabing pinulot ko ang sapatos mo, iyon din ang gabing inilagay ko ang puso ko sa mga kamay mo."And then he said that he couldn't say pretty words. Hmmm... kinikilig kaya ako.

"Dax...naman...kinikilig ako.."Napangiti ito.

"Wait here..." he said then he turned awat... Saan naman kaya pupunta ang mokong na ito? Ito na iyong part na dapat hahalikan niya ako noh. Nang bumalik siya, ay may dala itonng sapatos sa isang kamay nito. That was my prom shoe...

"You kept that..." he just smiled then he winked at me...

"Sit down..." hinwakan niya ako sa beywang at iniupo niya ako sa hood ng kotse niya. Tinanggal ni Dax ang isa kong sapatos at dahan-dahan niya isinuot sa akin ang sapatos na hawak niya. Feeling ko ako si Cinderella. Hindi ako makapaniwala sa nagyayari. Bigla ay naalala ko ang lahat ng nangyari sa amin, simula ng una ko siyang makilala, hanggang sa nahulog na ako sa kanya.

Ngayon alam ko na. Si Dax ang soulmate ko. Siya ang destiny ko pero hindi siya si Mr. Right. Siya si mer. Wrong at mahal na mahal ko siya. Siya ang pinakatamang lalaki para sa akin at hindi ko makita ang sarili ko na nagmamahal pa ng iba.

"I love you, Mr. Wrong..." he smiled at me. Finally he stood uo and he tilted my head for a kiss...A mind shattering kiss... My knees were turning into jello when a light flashed. I pushed Dax away.

Isang sasakyan ang humito sa tabi ng kotse ni Dax. Ibinaba nito ang bintana at nakita ko ang mukha ni Ashlee.

"Ano na naman.."pumapalatak na sabi ni Dax.

"Happy ending na?" excited na tanong ni Ashlee.

"Oo...kaya lumayas ka na dito at titigan mo na lang iyong billboard ng reed na iyon." Sumimangot si Ashlee. Sumaludo muna ito sa akin .

"I can very well see that you had fun using my waterballs, Cielo..." pagkasabi niyon ay pinasibad nito ang kotse...

"Ano iyon?"tanong ko kay Dax. Muli ay hinwakan niya ako sa baywang at ibinaba sa hood ng kotse.

"Wala..." natatawa ito. Sinarado muna ni Dax ang trunk ng sasakyan ko at muli ay lumapit siya sa akin. Inakbayan niya ako.

"Sa akin ka na sumabay... Uwi mina tayo sa apartment ko. Tapos punta tayo sa inyo.."

"Aano naman tayo sa amin?" bimukasan ni Dax ang pinto ng kotse niya. Nang makasakay ako ay inayos naman niya ang seatbelt ko.

"Magpapalit muna ako ng damit kasi baka bigla kong atnungin ng mama mo kung maulan ba sa labas. Mamamanhikan na ako." Nanlaki ang mga mata ko. Sa sobrang pagkabigl ay nasapal ko siya.

"AraY!" angil nito. "Ano na naman ang problema mo?"

"Wala ka naman kasing binibigay na engegament ring sa akin eh!" reklamo ko. Napangiti ito.

"Wala ng atrasan, Cielo... Naghalikan na tayo. Tsaka strict ang parents ko noh."natatawang sabi nito. He bent downand then he claimed my lips again....hmmm... i love happy endings...