Nonsense

Isang nonsense na blog.

Wednesday, May 19, 2010

J.B. (maikling kwento)

Tinahak niya ang daan patungo sa kanyang kamatayan. Mahirap para sa akin ang makita siyang gapos at nalulumbay. Katabi niya sa kanyang tagiliran ang dalawang sibil na may hawak na baril. Nilambungan ng takot ang pangamba ang aking puso. Ito na ang huling pagkakataon na masisilayan ko siya. Ang huling beses na maaari ko siyang makasama.

Natatanaw ko pa sa aking balintataw ang unang pagkakataon na siya ay aking nasilayan. May sakit noon ang aking amain sa mata at mula sa ibayong dagat ay sinadya namin ang silangan upang makipagkita sa manggagamot na iyon. Ang manggagamot na siyang nagpatibok ng akong musmos na puso. Ang manggagamot na kung tawagin ng ilan ay "Pepe."

Hindi ko na kinailangan na maghintay pa ng matagal na panahon upang suyin ako ni Pepe. Hindi na niya ako pinaghintay pa. Isang gabing marikit, lumapit sa akin si Pepe, upang kanyang isalabi ang kanyang tunay na damdamin. Ayon sa kanya, minamahal raw niya ako. Ayon sa kanya, ako raw ang katuparan ng kasiyahan at pangarap na matagal na niyang hinahanap-hanap.

Napuno ng kagalakan ang aking bpuso. Minamahal ako ni Pepe. Iisa ang harmoyang ginagalawan ng aming mga puso. At kahit iyon ang unang pagkakataong iopinabatid niya iyon sa akin. Walang pag-aatubiling ibinigay ko sa kanya ang aking kamay. Minamahal ko si Pepe at batid ko man ang panganib na maaari kong suungin sa buhay nang kasama siya, hindi ko iyon alintana. Ang mahalaga ay nasa piling ko siya.

Bumuo kami ng mundo ni Pepe na ang tanging laman ay kaming dalawa lamang. Ang mundong iyon ang tangin dahilan ng pagngiti ko sa araw-araw. Tuwing siyang magigisnan ko sa aking tabi, napupuno ng kasiyahan ang aking damdamin. Mahal ko si Pepe. Siya ang aking buhay.

Kung kaya't ganoon na lamang ang aking pighati nang dumating ang araw na akong kinatatakutan. Ang araw nang pagdakip kay Pepe. Napakadilim ng mga panahong iyon para sa akin. Binalot ng takot, pangamba at kalungkutan ang aking buong pagkatao.

Alam kong anumang sandali ay maaaring mawala siya sa akin. Maglalaho nna ang buong buhay ko sa akin. Anumang oras ay mag-iisa na lamang ako na ang tanging ala-alang madadala ay kanyang mga ngiti at abg masasayang araw na hindi ko naman mayayakap at mahahagkan.

"Huwag kang malumbay aking mahal. Hindi ka mag-iisa, kahit ako'y lilisan na."

Magagwa ko nga ba ang kanyang nais? Ang huwag malumbay at pasayahing pilit ang aking sarili, gayong papalapit na ang oras ng kanyang kamatayan?

Narating namin ang lugar na pagdarausan ng kanyang paghuhukom. Dama ko ang mabagal na pagtibok ng aking puso. Unti-unting pumapatak ang aking mga luiha. At nang makita ko ang pagtindig ni Pepe sa gitna ng Plaza ay tuluyan na akong napaiyak.


"FUEGO!"


Mariing ipinikit ko ang aking mga mata, kasabay noon ay narinig ko ang malalakas na putok ng baril. Nabalot ng kadiliman ang buong mundo ko. Wala na si Pepe... at naisin ko man na gawin ang kanyang bilin, ay hindi ko makakaya...

Si Pepe ang buhay ko. At ang kanyang kamatayan ay ang siya na ring pagtigil ng pagtibok ng puso ko...

No comments:

Post a Comment