Nonsense

Isang nonsense na blog.

Saturday, July 17, 2010

Love square formula (maikling kwento)

"So the formula will be blah blah blah blah blah...."

Formula. Marinig ko pa lang ang salitang iyon ay inaantok na ako. Hindi naman dahil sa ayoko ng math o physics, ayoko lang kasi ang may sinusunod akong format pagdating sa buhay ko... Pero hindi naman pwede iyon.

Madalas kong marinig mula sa kaibigan ko na kung walang rules, lahat ng tao kriminal. Ganoon din daw sa solving, kung walang formula, lahat ng sagot mali.

Parang sa LOVE. Ang love walang format, walang formula, at walang legitimate rules. Sa madaling sabi, kanya-kanya. At dahil sa ganyang sistema, maraming tao ang nabibigo at naiiwang luhaan. Kaunti lang ang nakaaalam at nakakapag-decode ng tamang formula. Bilang lang sa mga daliri ng tao ang mga nagtatagumpay pagdating sa aspeto na iyon.

Parang ako.

Biktima rin ako ng LOVE na iyan.

Sa dami ba naman ng tao sa mundo, bakit sa akin pa tumama ang malas na paana ni kupido? Hindi pa ako handa sa ganito. Hindi ko pa nga nakikita ang sarili ko na nagmamahal.. hindi pa talaga ako handa.. pero....

Wala na naman na akong magagawa. Ang hindi nko lang maintindihan ay kung bakit sa dami ng tao sa mundo, bakit sa kanya pa? Bakit siya pa ang napili ko?

Bakit si ANDREW pa?

Si Andrew.


Mali. Maling-mali. Hindi ko pwedeng mahalin si Andrew.

Magkaibigan kami. And loving him more than that would only ruin our friendship. I cannot afford to lose him. Masyado nang malalim ang pinagsamahan namin para lang masira dahil sa simpleng ganito.

Kaya kahit na minsan ay parang gustung-gusto ko na lang ibulalas bigla, hindi ko magawa. Sometimes, when we were together, talking, I always feel like telling him how much he means to me. But telling him that truth would cost a lot...Kung kaya pilit kong tinatago ang nararamdaman ko.

Pero mahirap pala.

Kahapon, habang kaharap ko si Mark --- my other friend who happens to be in love with me--- i know cause he told me his feelings yesterday... Doon ko na-realize na hindi pala maganda na basta ko na lang itago kay Andrew ang nararamdaman ko. Like what Mark said... the least thing I could do is to tell him the truth. Kahit gaano pa kasakit.

Alam ko, noong sinabi ko kay Mark ang totoo kahapon, nasaktan ko siya. I knew how hard it was fo him. I knew.. i saw it in his eyes, pero wala naman akong magagawa dahil iyon ang totoo at kung magsisinungaling ako sa kanya ay mas lalo ko lang siyang masasaktan. Ayokong saktan si Mark, kaya kahit alam kong magiging mahrap para sa kanya... ginawa ko iyon..

And now its my turn...

Last night, while I was thinking about Mark and the conversation we had.. at nakapagdesisyon ako... I'm going to tell Andrew what I really feel.

So when the bell rang... I nervously took all my things and went to Andrew's direction. Mukhang nagmamadali rin naman siya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta but I have to tell him the truth. I have to talk to him.

"Andrei!" I called out. Agad naman siyang huminto at bumaling sa akin. Ngumiti siya.

"Hey, Pea..." Pea... I smiled. Nakakadama ako ng kaunting kilig sa tuwing tinatawag niya akong Pea. Kahit naman lahat sila ay iyon ang tawag sa akin. I took a deep breathe.

"Uhmm, uuwi ka na ba?" I asked him. Umiling naman siya.

"I'm just gonna go talk to someone.. Why? You wanna walk with me?" tumango ako. Bakit ba speechless ako ngayon? It shouldn't be like this. Nasaan na ang speech na pilit kong pina-practice kagabi?

"Andrei..." I start off. Hindi naman siya kumibo. I took that as a sign that i should just get down with it. "I've to tell you something."

"Hey, malapit na iyong prom.. sinong kasama mo?" biglang tanong niya. Natigilan ako. Napatitig sa kanya. We stopped walking. Tumitig siya sa akin na tila ba naghihintay ng sagot.

Prom...

For the past few months, I've been dreaming to go to the prom with him. Ilang gabi nang iyon ang panaginip ko. Siya at ako, magkasama pagkatapos sasayaw kami.. and before the night ends, I would tell him that I love him and he would say the words that i;ve been dreaming to hear...

Prom...

I have an ideal prom... And my ideal prom can come true if and only if Andrew comes with me...

And so the plan backfired.

Instead of telling him my feelings, I planned on asking him to go to the prom with me.

"That's why I wanted to talk to you." I cleared my throath.

"Yeah? What about?" we started walking again. Nakarating na kami sa thrid floor kakalakad. Hindi ko alam kung bakit siya umakyat dito pero okay lang, I really need to ask him. I can always tell him that i love him later, maybe I'll tell him about it sa prom...

"I want to got to the prom with you..." and just like that everything around me slowed down. Andrew looked at me with that ridiculous look on his face. I knew that look, the look of rejection. I see that look on Gracie's face everytime she ask me something and I say NO.

"Sorry, Pea..." mahinang sabi niya. I took a deep breathe again. LOL... ano pa nga ba... siyempre mag-so-sorry siya. Siguro ganito rin iyong nararamdaman ni Mark kahapon noong magkausap kami. Iyong pakiramdam na para bang pinagtaksilan ka ng buong mundo dahil lang sa sinabi ng kausap mo ang mga bagay na ayaw mong marinig.

"Why?" I asked. Hindi ko yata ito kaya... "Hindi ka pupunta sa prom?"

"Pupunta. Of course... hinihintay ko nga iyon eh.. Its just that, I have someone else in mind." Narinig mo iyon Sofia? Someone else daw... I made a mental note, I'll call Gracie later.. or better yet, I'll go to Gracie later, talk to her about Andrew, tell her that Andrew, the man I love... has someone else in mind... Someone that he wants to go to the prom with...

Someone that's not ME...

"Hey, if you want we can sit together sa prom. We'll I have a better idea, how about you ask Mark to go with you then we will sit together and talk all night?" matabang ang ngiting sinagot ko sa kanya... Si Mark.. ni hindi ko nga alam kung gusto niya pa akong kausapin.

Lumakad ako patungo sa post na nasa kanan namin. Tumayo ako roon at sumandal ng saglit. Nanghihina kasi ako.. rejection.. my first rejection. Buti na lang pala ganito lang ang sinabi ko kay Andrew. Panu kung sinabi ko sa kanya na may nararamdaman ako, tapos ganyan din ang sinabi niya sa akin, malamang siguro ngumangawa na ako ngayon. Tumingin ako sa malayo, hapon na noon at nagsisi-uwi na ang mga estudyanteng katulad ko. High school is really a roller coaster of different emotions... and I hate roller coaster rides...

"Pea.." tinawag niya ako. Nakita ko na nakatitig siya sa akin, pagkatapos ay tumingin sa direksyon na tinitingnan ko.

"I hate high school..." mahinang sabi ko. Natawa naman siya.

"Okay lang iyan. Like I said, you could always ask Mark. Panoo?" he tap my shoulder. "I have to go..." tumalikod si Andrew, habang ako nanatiling nakatingin sa mg naglilisawang estudyante sa ibaba.. lakad dito, lakad roon, takbo dito, takbo doon... silong doon, silong diyan.. bigla kasing bumuhos ang ulan... Tatalikod na sana ako ng may makita akong isang pamilyar na dilaw na payong. Kunot noong pinagmasdan ko mabuti iyon...

That was Gracie's umbrella. She's with Mark. Huminga ako ng malalim. Hindi man lang niya ako hinintay. Nakakainis ah... Tuluyan akong tumalikod. Natigilan lang ako ng mapansin ko si Andrew na nakatayo pa rin pala sa likod ko, sinusundan ng tingin ang payong na dilaw na kanina rin ay pinagmamasdan ko.

His expression was unbearable. Parang nakakain siya ng maasim pero hindi naman.. but other than that, he looked sad...

"Do you have any idea how difficult it is to stand beside your friend and not tell her how you really feel?" Andrew said in a very dark tone...

What he said made me realized what he was talking about. Again, I looked away... I could still see Gracie and Mark from here. They were still under that yellow umbrella. Pumwesto si Grace sa may gilid ng mini canteen na nasa tapat lang ng building kung nasaan kami ni Andrew. Mark stood beside her, while Gracie took out a white mini towel para punasan ang gilid ng pisngi ni Mark.

It was clear. I knew the reason why Andrew was acting like this.

Gracie likes Mark. Mark likes me but I like Andrew, who happens to like Gracie...

It was complicated....

"Yeah... i know..." I said to him.

It was very complicated. A love square.... hay...

Bakit ba walang formula ang LOVE?

Thursday, July 15, 2010

basted (maikling kwento)


"She's in love with someone else. Alam mo na rin siguro kung kanino. Bakit siya pa? Bakit hindi na lang ikaw?"

Sadya yatang maulan noong araw na iyon. Sinadya ng panahon para pigilin ka sa alam kong matagal mo nang balak. Naisip ko, sinasabi sa'yo ng panahon ang isang bagay na hindi ko kayang sabihin sa'yo ng harapan.

"Huwag kang pumunta, Mark... Paulit-ulit ang mga katagang iyon sa utak ko. Mula kagabi noong sabihin mo sa akin na gusto mo nang sabihin kay Sofia ang tunay mong nararamdaman, iyon na ang mga salitang namumuo sa isipan ko.

Ayokong pumunta ka roon. Ayokong sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo, dahil alam kong masasaktan ka lang. Hindi naman pwede na ako mismo ang magsabi sa'yo na hindi ikaw ang gusto niya. Na hindi ikaw ang mahal niya at kahit minsan hindi niya naisip na mahalin ka dahil iba ang nilalaman ng puso niya.

Masasaktan ka lang naman, Mark.. pero kahit gustong-gusto kitang pigilin, kahit na gustong-gusto kong sabihin sa'yo ang alam ko, hindi ko naman magawa. Wala akong karapatan dahil kaibigan mo lang ako. At ang isang kaibigang tulad ko ay taga-suporta lamang.

I couldn't do anything else, but to just wait for that moment you will come to me, torn apart and hurting.

"Okay class, get one half sheet of paper." napapalatak ako, hindi dahil nagpapakuha si Ma'am ng 1/2 sheet of paper, napapalatak ako dahil may tets at wala akong naintindihan sa sinasabi niya dahil ikaw lang ang iniisip ko. Tumingin ako sa'yo.. nababakas ko sa mga mata mo ang kasiyahan at excitement.. mag-kaiba talaga tayo ng nararamdaman. Ikaw masaya, samantalang ako, balisa. Nag-aalala kasi ako sa'yo. late this afternoon, your heat will be broken in a million pieces.

Napapikit ako, bago pa man din ako makakuha ng papel ay nagring na ang bell.

"Yes!" impit na sigaw ng mga ungas nating kaklase. Sinulyapan kita, tuwang-tuwa ka rin. Agad na niligpit mo ang mga gamit mo at saka ka tumayo. Alam kong lalapit ka sa akin, kaya hindi na ako tumayo mula sa aking kinauupuan.

"Grace, ano, halika na. Ay mali..." marahang nahampas mo ang iyong noo saka ka ngumiti. "Ako lang pala ngayon, susunduin ko si Sofia. Hindi na nga ako makapaghintay."

Matabang na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. Hindi makapaghintay saan? Sa pagkawasak ng puso at ng mundo mo?

Anim na buwan na ang lumipas noong sabihin sa akin ni Mark na may nararamdaman siyang espesyal para kay Sofia. Noong sinabi niya iyon sa akin ay natuwa ako. In my mind I was thinking, my two bestfriends... may posibilidad na maging sila... ang saya-saya ko noon para kay Mark, ang akala ko kasi ay pareho sila ni Sofia ng nararamdaman... mali pala ako.

"Mark, sigurado ka na ba?" hindi mapigilang tanong ko. Ngumiti ka sa akin.

"Oo naman..." pero bigla ay natigilan ka rin. "teka.. may naalala ako. Kagabi, noong tinawagan kita, sobra-sobra ang pandi-discourage mo sa akin? Bakit ba?"

Nahalata niya pala iyon... Ngumiti ako.

"W-wala... naiip ko lang kasi na may malaking posibilidad na hindi pa handa si Sofia. Anong malay mo..." natawa ka naman sa sinabi ko.

"Handa na siya. 4th year na tayo, Grace. Saka isa pa, ayokong lumampas ang buwan na ito nang hindi pa nagiging akin si Sofia. Naiinip na rin naman ako, gusto ko na talaga siyang tawaging "mine."

Wala na akong nasabi. Nabanggit mo palang ng salitang "MINE" natigilan na ako.

"O eh ano pang ginagawa mo dito? Umalis ka na.. sunduin mo na si Sofia." muli ay ngumiti ka. You even put your hand on my head to ruin my hair. You always do that when your excited about something. Bago ka pa man makalabas ng classroom, tinawag kita.

"Mak! if you need someone to talk to, later, hihintayin na lang kita sa school park." natawa ka saka umiling.

"Baka bukas na lang kita makausap, o kaya man, tatawagan na lag kita mamaya."

"Hindi.. basta... aantayin kita doon." muli ay natawa ka. Umalis ka na lang basta, ni hindi mo ako nilingon. naiwan akong nag-iisa sa chem lab. Hindi ko alam kung gusto ko bang lumabas roon o susundan kita o gagawin ko na lang ang sinabi kong hhintayin kita sa school park. Tumingin ako sa relo na nakasabit sa likod. 4:30 ng hapon. I guess, one hour later, I'll see Mark again... at sa panahon na iyon, kakailanganin na mo na ng kausap.

Tumayo ako, nanlulumo. Ganito pala ang pakiramdam ng taong alam ang mangyayari... iyong mga psychic kaya, ganito din ang nararamdaman nila?

Ako ang kahuli-hulihang taong lumabas ng chem lab. Wala na masyadong tao sa corridor. Paulit-ulit na nagbubuntong hininga ako. Sayang talaga... sana kasi marunong makinig si Mark.

Naglakad ako patungo sa school park. Medyo tumila na ang ulan. Kaunting ambon na lang ang bumabagsak mula sa kalangitan.. Naisip ko na naman na nakiki-ayon ang mood ni mother nature sa magiging mood mo maaya... Gloomy and Cold. Nang marating ko ang liwasan, naisip ko na bobo talaga ako kasi hindi man lang sumagi sa kukote ko na wala akong mauupuan kasi basa lahat ng bench. Hayun, tumayo na lang ako sa may shed. Yakap ang bag ko, tahimik akong naghintay sa'yo..

Iniisip ko na ang mga bagay na maari kong sabihin sa'yo mamaya upang maibsan ang sakit na nararamdaman mo.

"Teddy bear..." isang tinig ang pumukaw sa malalim kong pag-iisip. Agad naman akong lumingon upang hanapin ang tinig na iyon. At nang makita ko ang nag-mamay-ari ay parang gusto kong lalong malungkot.

Heto si Andrew.. mukhang masayang-masaya, habang si Mark mamaya, malulumbay... at isa sa mga magiging dahilan ay si Andrew.

"Bakit mag-isa ka lag? Di ka pa uuwi?" nakangiting tanong niya habang papalapit sa akin. Tumayo siya sa tabi ko, pilit na kinukuha ang bag ko.

"Ako na lang.. kaya ko naman. "Mahinahong sabi ko. Hindi naman siya nagpumilit pa. Tumayo lang siya sa tabi ko, maya-maya ay naramdaman kong pilit niyang hinahawakan ang kamay ko na nakayakap sa bag ko.

"Andrew..." mahina ngunit mariing sabi ko.

"Bakit? i just wanna hold your hand.." kumunot ang noo ko.

"Heh!" nakakaloko ang lalaking ito.

"Ano bang ginagawa mo dito? Baka umulan, umuwi ka na kaya. hahatid kita." muli ay sabi niya, Umiling ako.

"Hinihintay ko si Makmak." sabi ko, napatingin ako sa kanya nang bigla siyang matahimik. Hindi ko maintindihan ang ekspresyon ng mukha ni Andrew nang mga oras na iyon, para siya naaasiman na hindi ko talaga ma-gets. May nakain ba siyang masama?

"Huy..." sinuntok ko ang balikat niya. Hindi pa rin siya kumibo.

"Do you like Mark, Gracie?" biglaan tanong niya. Muntik na akong matawa. Adik yata talaga ang taong ito. How could I possibly like Mark when all along its him that I want? Pero hindi ko pwedeng sabihin iyon. Liking Andrew, or even feeling something for him will jeopardize my friendship with Sofia.

"Oo naman." nakatawang sabi ko. Like ko naman talaga si Mark, pero hanggang kaibigan lang. Nang muli akong mapatingin sa kinatatayuan ni Andrew ay likod na lang niya ang nakita ko. Nag-walk out ang ungas. Bakit? Nagkibit-balikat ako. Malamang may nakain siyang di masarap.. kaya siguro ganoon ang hitsura niya kanina.

Muli ay nagmuni-muni ako. Tumingin ako sa relo ko. 5:00 ng hapon... nang ssubukan kong tanawin ang direskyon na sigurado akong pangggalingan mo, naaninag ko ang isang bultong alam kong sa'yo.. Unti-unti ay lumalapit ka sa direksyon ko. Kita ko sa iyong mukha ang pait...

"Mark!" tinawag kita. Tumingin ka naman sa akin. Tulad ng inaasahan ko, wasak na wasak ang puso mo. Mapait na ngiti ang isinukli mo sa pagtawag k a'yo. Ni hindi ka lumapit sa akin. Mas pinili mo pang maupo sa basang bench kesa ang tumayo sa tabi ko. Nagsimula ang pag-ulan. Ako naman ay parang nanghihina, parang hindi ko makakayanan... Kinuha ko mula sa bag ang payong na baon ko. Dali-daling binuksan ko iyon at saka nagmamadaling lumapit sa'yo.

"Mark..." hinawakan ko ang balikat mo. Napailing ka. ahit alam ko na ang sagot ay di ko magawang hindi tanungin ang bagay na iyon. "how was it?" malumanay na sabi ko.

"Bad..." himinga ako ng malalim.

"Mark..." kanina habang nakatayo ako sa shed, isip ako ng isip ng sasabihin sa'yo, pero bakit ngayon wala akong masabi?

"She said, that she's in love with someone else. Do you know how much that hurst? Siya ang unang babaeng minahal ko. Tapos sasabihin niya bigla na may iba siya mahal."tumingin ka sa akin. "Alam mo na rin siguro kung kanino noh? Ang sakit-sakit. Bakit ba siya ang napili kong mahalin? Bakit siya pa? Bakit hindi na lang ikaw?" I was caught off guard hearing those words from your mouth. "Bakit siya pa? bakit hindi na lang ikaw?"

Itong ungas na ito, balak pa yata akong gawing rebound. Binatukan kita ng malakas. Dahilan para mapadaing ka.

"Ungas ka! Alam mong hindi tayo talo tapos mag-da-drama ka ng ganyan." ngumiti ako. Nakita kong kahit paano ay napangiti ka na rin. Tumayo ka saka kinuha ang payong ko, pati na rin ang bag na kanina ay pilit na kinukuha ni Andrew.

"Bestfriends talaga kayo ni Sofia noh? Pati sa taong mahal ninyo pareho kayo." muli ay umangat ang kamay ko para noohan ka.

"Ungas YOU!" natawa ako... natawa ka rin. mukha tayong ungas. Nakakatuwa na makita na hindi naman pala ganoon kasama ang magiging resulta ng unang kabiguan mo... saglit na kalungkutan lang pala ang ipapakita mo sa akin. Alam kong hindi agad maghihilom ang sugat na ngayon ay nasa puso mo, pero at least alam kong hindi naman ganoon kalalim iyon...

"Bakit hindi na lang ikaw? nag-eecho ang tanong na iyon sa utak ko... Hindi ko alam kung anong saltik ang sumapi sa utak ng lalaking ito at naisip niyang itanong iyon sa akin, pero ano rin kayang saltik ang sumapi sa akin at habang nakatitig ako sa lalaking ito ay bigla kong naisip na.....

BAKIT HINDI NA LANG SIYA?


***END***

Wednesday, July 14, 2010

Marriage Proposal (Maikling kwento)


"The next time I see him. I am going to ask him to marry me."

I was eighteen years old when I said those unforgettable lines. eighteen years old and ver very drunk. Ni hindi ko na matandaan kung seryyoso ba ako nang sabihin ko ang mga katagang iyon, but the only reason why i said that was because I was really really heart broken.

Yllak, the only guy who can make my heart flutter, left. AGAIN.

Grade three ako noong una kong masilayan si Yllak. I was eight years old, but when I saw him, outside our classrom waiting for his sister, made me feel a diffent kind of gravitaional pull. His soft cyte smile, his little dimples, his innocent eyes covered with those intellectual glasses made him more attractive for me.

I was only eight yers old and yet I already knew that he's my SOULMATE.

Tumagal ang panahon, lalong lumalalim ang nadarama ko para sa kanya. I even asked my father to move in the same village kung saan nakatira ang pamilya ni Yllak. Stalking? No.. i just wanted to be close to him.

At nangyari iyon, I befreinded his younger sister. It was easy lang naman kasi classmate ko ang kapatid niya. Habang napapalapit ako kay Shane--- sa kapatid ni Yllak, lalo naman akong nahuhulog sa kanya. Mahirap sigurong intindihin because I was very young yet I knew and I fully understand the concept of what adults call LOVE.

For me, Yllak was my prince charming. Hindi niya lang alam, pero siya ang nakatakdang maging prinsipe ko. At kapag nalaman na niya iyon, ako ang unang matutuwa.

Tumuntong ako ng high school. Doon mas lalo kong lang naramdaman na si Yllak na talaga ang gusto kong makasama habambuhay. I always see myself, standing next to him infront of the altar. We, us... one... Forever... husband and wife...

But then our love story ended---kahit di pa naman nagsisimula--- when Yllak graduated form high school. Kinailangan niya kasing umalis noon para mag-aral sa New York. he left.. but before he left, I had a chance to talk to him...

I gave him his graduation gift. A necklace... Pnaghirapn kong hanapin iyon. Alam ko kasing babagay sa kanya ang necklace na iyon. I saw the design at the back of his Math notebook, at noong natghahanap na ako at wala akong makita, naghanap naman ako ng isang taong marunong gumawa ng pendant. Luckily, I found one.

"You didn't have to, Tonie.." ngumiti iya sa akin, habang kinukuha mula sa mga kamay ko ang maliit na kahon.

"We'll, it's nothing. " nahihiyang sabi ko. "Buksan mo na." and he did. When I saw his eyes widened with happiness, parang gustong-gusto kong kiligin sa harap niya, magsasayaw, magkakanta.. pero pinigilan ko ang sarili ko. I could always do that inside my room.

"Its pretty.. thank you..." nakangiting sbai niya. Agad na isinuot niya iyon. Gusto ko sanang ako na mismo ang magsuot niyon sa kanya pero baka naman isipin niya na masyado akong assuming.

"Paano, uuwi na ako. happy graduation ulit..." bago pa man ako makaalis ay hinatak ni Yllak ang mga kamay ko. Napaharap ako sa kanya. he was smiling.

"Kapag ako umalis, ikaw ang isa sa mga taong mami-miss ko ng sobra." Yes... I alomot forgot that he was leaving the next morning. I just smiled at him. I wanted to tell him how I really feel, pero napaimbabawan ng takot ang puso0 ko. What if, hindi pa kami pareho ng nararamdaman? I knew for a fact na kami ni Yllak sa huli pero hindi pa siya handa. I kept quiet. I hugged him tight. At ganoon na lamang ang kasiyahan ko ng madama ko na niyakap rin niya ako. Ayaw ko pa sana mag-lte go pero nadama ko ang nagbabadyang mga luha sa mga mata ko, kahit mahirap, kahit ayaw ko pa, kumalas ako sa yakap niya at tumakbo palayo. I knew that he was leaving. Matagal ko nang alam iyon pero bakit kung makaakto ako ay parang kanina ko lang nalaman?

It was hard knowing that the boy I spent my whole life loving, will be leaving the next morning. It was hard to know that the next time I come to their house, I won't be able to see him ot talk to him. Nakakatakot.. natatakot ako na baka makalimutan niya ako. Ayoko lang naman na makalimutan niya ako, pero anong magagawa ko, wala naman akong pinanghahawakan sa kanya? Hindi naman kami.. at alam ko naman na para kay Yllak, isang kaibigan lang ako... or worst, parang kapatid na rin niya...

So when Yllak left, tinuruan ko ang sarili kong kalimutan na lang siya. Ganoon naman iyon eh... Para hindi ako masyadong masaktan. Paminsan-misan ay nababanggit pa in siya ni Shane, at kapag nangyayari iyon, hindi ko maiwasan ang biglang kabahan. The truth is, kahit malayo na si Yllak... kahit taon na ang lumipas mula nang umalis siya, I was still waiting for that day when Shane will come to me, happy, because Yllak is coming back.. pero hindi nangyari iyon.

Hanggang sa dumating na lang iyong araw na bigla na lang akong walang naramdaman para sa kanya. Ewan ko ba.. sa tingin ko mabuti na rin iyon, but still, that bothers me..

So years passed by, still no Yllak. Unti-unti na akong natuto na kalimutan siya.. until one day...


HE came back.

I was shocked.

Why?

Because the Yllak I fell in love with was gone. Standing infron of me was an all new improved Yallak gabriel Villanuva. No glasses, no nerdy vibe, no dorky clothes.... he IS a MAN now.. at nakakalungkot. I always thought that he will always be Yllak, the boy that made my heart flutter, but I guess its true what they say. Change i the only permanent thing in this world.

When I realized that Yllak (the guy I wanted) was gone. I satrted avoiding him. I don;t wanna get caught up with him again. And plus, I am sacred that i might fall in love with him again.

Ayoko nang ma-inlove sa kanya. Wala naman kasiguraduhan. Saka isa pa, aalis lang naman ulit siya. I remember Shane telling me that Yllak's here for only three weeks.

Three weeks of avoiding him... easy...

Iyon ang akala ko.

Kung kailan naman ako iwas ng iwas sa kanya, siya naman iyong lapit ng lapit sa akin. I don't have any idea why he was doing that, but it kind of made me feel, special. Hanggang natagpuan ko na lang ulit ang sarili ko na nahuhulog sa kanya.

Habang si Yllak, aalis na naman.

Life is really screwing us up.

Noong akala ko na maayos na ako, na nakalimutan ko na siya, saka naman siya bumalik. Noong akala ko na wala na, saka ko naman napagtanto na heto pa rin ako, walang sawang naghihintay.

Why do I always get left behind?

Ayoko ng naghihintay pero heto ako, naiwan na naman... at kahit di ko sabihin, alam kong maghihintay na naman ako sa kanya.

The night he left, I found myself sitting inside a bar, drinking, drowning my pain with alcohol. Crying...

"Taga ninyo ito sa bato..." biglang sabi ko. Ashlee and Vince-- my two other friends looked at me...

"The next time I see him. I am going to ask him to marry me." mariing sabi ko.

"Who?" Vince asked. I looked at him, pissed.

"Yllak! idiot!" galit na sagot ko.

That was all I could remember that night. Wala na akong masaydong maalalang iba dahil sa sobrang kalasingan. I was so drunk to even remeber other things but that..

Hindi ko alam kung bakit iyon ang alaalang tumimo sa isipan ko, siguro ay dahil sobra talaga akong nasaktan ng muli akong iwan ni Yllak. Pero tulad ng lahat ng tao... I moved on.

I tried living my life not waiting for him to come back. I moved on. And I was happy with my decision...

Another six years had passed.. and i was doing okay. As I said. i moved on... but unlike me. Hindi naka-move on si Ashlee and si Vince.

Anim na taon na ang lumipas nang bitiwan ko ang mga salitang iyon, alakimutan ko na nga eh.. pero hindi ko alam na sila... pinanghawakan iyon.

I was really shocked when I found out that Yllak came back and that Ashlee set me up with him. What for? TO ASK HIM TO MARRY ME.

"Madali lang iyon, tonie. Diba pangako mo iyan sa sarili mo?" she told me when I asked he what the hell was wrong with her brains.

Hindi ako makapaniwala na ginawa niya sa akin iyon. I thuoght she was my friend but what she did to me was appalling. I couldn't even stand it!

And now... now.. now I am standing infront of Yllak. Hindi ko talaga ito inaasahan. I don't even know why he came here. Pakana lang naman lahat ito ni Ashlee at ni Vince. siguro, nagpustahan na naman silang dalawa. Hobby nila iyon eh.. pero bakit kailangan pati ako kasali?

"W-why are you here?" I asked him. He smiled. Nagwala ang puso ko. He still have the same effect on me. He can still make my heart flutter.

"Ashlee said you wanted to tell me something. It nice seeing you again." habang nagsasalita siya hindi ko maiwasang mapatingin kay Ashlee. nakatyo sila ni Vince sa likuran ko, nakikiosyoso. Alam kong naririnig nila kami. Ayoko talagang gawin ito pero...

Maybe for some reasons, I have to... i need to do it. maybe its the only thing that can shut the what if's on my mind.

"We'll..." muli ay tumingin ako kina Ashlee. Muntik na akong tumawa nang malakas ng makita kong may hawak ilang banner na nagsasabing "GO TONIE".

Mga ungas talaga. Akala yata nila ay laro lang ito. Ang hirap nito. how could I possibly ask him to marry me. I don't even know if he likes me that way. Isa pa.. paulit-ulit sa isip ko ngayon ang dalawang bagay na pwedeng mangyari sa akin.

Una, pagtatawanan ako ni Yllak pagkatapos ay sasabihin niya "You're kidding right?"

Pangalawa, he would feel sorry for me and I'll ned up crying... sad but that's the reality...

"What?" He asked me. "Are we just gonna satand here and look at each other?"

Sasabihin ko ba? Am i gonna ask him that question Kahit pa sabihin nating I made that statement six years ago, it still count. Sinabi ko pa rin iyon. At kahit ayoko, alam kong kailangan kong gawin. Isa pa, sa tingin ko panahon na para malaman ni Yllak ang isang bagay na pinakatago-tago ko.

"I guess I'm really doing this huh.." I said out loud.

"What?" naguguluhang tanong niya. I smiled at him.

"I was eight. Too young, i know. But when I saw you that day outside our classroom, I felt a different kind of gravity pulling me closer to you." It was a god start... i thought. I looked at him. Kunot na kunot ang noo niya. Malamang ay tinatanong niya ang sarili niya kung bakit ko sinasabi ang mga bagay na iyon.

"The thing is... I was so young back then but then I knew that you and I are meant to be together. Kaya nga kahit alam kong walang kasiguraduhan, hinyaan ako na lang ang sarili ko na mahulog sa'yo ng tuluyan. Siyempre noong una, crush lang kita, pero as the years pass, as we grow up.. lumalalim ang nararamadaman ko para sa'yo.. hanggang sa isang araw, mahal na kita basta."

"Okay naman na ako noon eh. Ayos na sa akin na minamahal ka sa tahimik na paraan, pero kahit ganoon nasaktan pa rin ako noong malaman kong aalis ka na.. Ang sakit-sakit noon, ang hirap-hirap tanggapin na aalis ka na lang basta, iiwan mo ako. Takot na takot akong baka makalimutan mo ako." a tear escaped my eye. I wiped it. I was trying so hard not to cry...

"Tonie..." I shhed him.

"Let me talk. You owe me this, Yllak. Dalawang beses mo akong iniwan, dalawang beses rin akong nahulog sa'yo at dalawang beses mo na rin akong sinasaktan. Ang dami-dami mo nang utang sa akin. Kaya kuung gusto mo akong bayaran, shut the hell up and let me talk!" sigaw ko sa kanya.

"Many many times you've left, you hurt me. I hate you for that. pero kahit ganoon, sadyang makulit ako at matigas ang ulo dahil kahit alam kong hindi tama, gagawin ko pa rin. Kahit alam kong sa huli ako ang magmumukhang tanga, gagawin ko pa rin."

I looked at him eye to eye. I smiled at him.

"Will you marry me?" nakita kong umawang ang mga labi niya. He was caught off guard I'm sure, but who cares.

"I love you. Mula noon hanggang ngayon, mahal kita. Mula noon hanggang ngayon hindi ako tumigil sa paniniwala na tayong dalawa ang nakatadahana para sa isa't-isa. Will you marry me, Yllak?"

Natahimik ang paligid. Nakatayo lamang ako roon, nakatitig sa kanya. Tila ba iniisip niya ang mga salitang sa tingin niya ay hindi gaanong makakasakit sa akin. napangiwi ako, looking at him right now, kahit hindi pa siya magsalita, alam ko na ang sagot. halata naman eh... Pumikit ako. I aited for him to ay something, and when he did... it broke my heart.

"I'm sorry, Tonie..." I smiled bitterly. Just as I thought. nagmulat ako ng mga mata. Tinitigan ko siya saka tumango.

"I know you are. I'm sorry to.... for myself..." after saying that i walked out. I couldn't believe that i really did asked him that question! Bakit ko ba naisip na sakyan ag kalokohan ni Ashlee at ni Vince? Ako lang naman ang nasaktan sa huli. Ganoon naman lagi eh. Sa loob ng mahabang panahon, ako lang ang nagmahal, ako lang ang laging iniiwan at ako lang ang laging nasasaktan. Tulad ngayon. Ako lang ang talunan.... sana.. sana hindi na lang siya ang minahal ko...