Nonsense

Isang nonsense na blog.

Wednesday, September 22, 2010

The girl who can't be moved (two)

TWO

"Trey got married!" I exclaimed. Gulat na gulat ako sa balitang isinalubong sa akin ni James.

"Take note. Secret marriage..." natatawa pa ito. Hindi ko manintidihan kung anong nakakatawa sa nangyayari. Trey got married. Without even telling anybody. That bothers me...

"Bakit pa siya nag-secret marriage kung alam naman ng lahat na engage na siya kay..." tinitigan ko si James na abala pa rin sa pagkain ng cereals. He went to my house that morning and then he dropped the bomb. "Anong pangalan ng girlfriend niya?"

"Angelika..." nangingiting sabi nito.

"Right, Angelika... Why would he do that?" I sat infront of him. "Mamaya ka na kumain. Sabihin mo muna kung bakit?" naiinis na talaga ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang hindi big deal para sa kanya ang mga pangyayari sa mundo ngayon. Two months ago, Anton got married, now Ali's engage with Rapunzel and now this? Trey married her fiance secretly, why in the world would he do that?

"Nape-pressure daw kasi siya sa amin. Lagi namin siyang niloloko." nakangisi pa ring sabi ni Jaime. Napailing ako. "Teka nga, bakit big deal sa'yo ito?" ako naman ang biglang natigilan. Bakit nga ba? I sighed... Napaisip na naman ako, bigla ay ngumiti ako ng pagak. Napapalatak si James.

"Sabi na nga ba eh, iniisip mo pa rin siya. Babalik iyon. Hintay ka pa ng konti." marahang sabi ni James. Parang wala lang sa kanya ang nasabi niya. Sa akin big deal na iyon. Ang tagal-tagal ko ng naghihintay. Its been five years… five lonely long years. Kung titingnan ang sitwasyon ng lahat ng tao sa paligid ko, ako na lang ang hindi nakaka-move one. Zach, Anton, Ali and now Trey, they have thier own happy endings now... samantalang ako, nandito pa rin. Nakatanga, naghihintay sa isang tao na hindi ko alam kung babalik pa.

He promised me forever... tutuparin pa kaya niya? Minsan naiisip ko, naiisip kaya ako ni Robi? Naalala niya kaya ako kapag pumipikit siya? Nakakaranas din kaya siya ng mga sleepless nights dahil sa kakaisip sa akin?

"Huy..." pukaw sa akin ni James. Napangiti ako.

"Do you think he still cares?" narinig kong huminga ng malalim si James. Nabalot kami ng isang nakakabinging katahimikan. Timikhim si James.

"O-oo naman... he cares for you, Ian. Don't you ever doubt that..." kumunot ang noo ko. Bakit parang wierdo si James ngayon?

"Bakit?" maangas na tanong ko sa kanya. Wierdo.. wierdo.. iyon ang nakatatak na salita sa noo niya para sa araw na iyon.

"W-wala.. dudera ka na naman.." he tried to give me a normal smile, pero nauwi iyon sa pagngiwi. Kinabahan na ako. may hindi siya sinasabi sa akin. At sigurado ako roon, kilala ko si James, sa tagal ng pagkakaibigan namin, alam na alam ko kung kailan siya may alam na hindi niya sinasabi. Tumayo siya at nilagay ang bowl na kinainan niya sa lababo. "Aalis na ako h? Salamat sa breakfast." mabilis na tinungo ni James ang entrada ng kusina. Tumayo ako at hinabol ko siya. Mabilis ang naging paglakad niya. Pinilit kong abutan siya. At nang makaabot ako. Iniharang ko ang sarili ko sa front door.

"Not so fast, Maxcardo. May di ka sinasabi sa akin." hinawakan ko siya sa dibdib.

"Ano ka ba? Wala no. Dudera ka talaga. Adik." sabi pa niya sa akin. He tried pushing me away. Hinawakan ko ang braso niya.

"Nakakakainis ka naman eh. Ano kasi iyon. Alam kong may alam ka pero ayaw mong sabihin. Sabihin mo na kasi. Para ka namang tanga eh." naiinis na naman ako. Bakit ba ginaganito niya ako? Malakas ang kutob ko na may alam siya at ayaw niya lang sabihin, at iyon ang isang bagay na ayoko kay James. Minsan pakramdam ko masyado na niya akong pinoprotektahan... hindi ko naman kailangan ng tagapag-alaga. I can take care of myself.

"Huwag na. Umalis ka nga diyan. Uuwi na ako. Baka mamaya ginagapang na naman ni Calixto ang kapatid ko." he tried to cracked a joke, then he smiled nervously.

"Jaime..." mariing sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Pasensya ka na, Ian… pero hindi ko pwedeng sabihin." bigla ay napanganga ako. Ngumiti lamaang si James sa akin aat pagkatapos ay nilagpasan ako, tinungo niya ang daan palabas. Hinabol ko siya.

"Is this about Robi?" That stopped him. Nilingon niya ako. Hindi siya sumagot. "C'mon James! Say it! If this is about him, then I have the right to know!"

"Hindi nga pwede!" sigaw niya sa akin. Mukha kaming tanga roon. Nasa gitna kami ng daan at nagsisigawan.

"At bakit hindi! Mahal ko siya at nangako siya sa akin na babalik siya!" ganting sigaw ko. Nang sumagot si James ay lalong naging mataas ang tinig niya.

"Kasi ayokong masaktan ka! I promised Robi that I will protect you from every bad element of this society! He made me promise to take care of you! I am just doing my job, Ian!" natigalgal ako. Mukhang wala ngang balak si James na sabihin sa akin ang totoo. Bago pa siya makapasok sa kotse niya ay lumapit ako sa kanya.

"Please… I need to know. Nagmamakaawa ako sa'yo..." mukha akong tanga, alam ko, pero wala akong pakialam. Kung iyon lang ang tanging paraan para malaman ko ang kung anumang bagay na iyon na alam ni James tungkol kay Robi, gagawin ko... basta sabihin niya lang sa akin.

"Ian naman eh..." tila nagrereklamo pa ito.

"Please... James, tatanggapin ko kahit gaano pa kasakit, sabihin mo lang sa akin… nakikiusap ako." napapikit si James. He took my hand.

"Iiyak ka pagkatapos kong sabihin iyon." sabi pa niya.

"Matagal ng umiiyak ang puso ko dahil kay Robi." Napabuntong hininga si Jaime.

"Alright... pero huwag mong sabihin na hindi kita binalaan." tumango ako.

"I won't blame you for the tears that will fall." Pinisil ni James ang kamay ko.

"He's engage, Ian." and just like that, I saw my whole world came crashing down at me. Kaagad na tumulo ang maga luha ko. James smiled sadly then he pulled me closer and embraced me tigthly.

"Hindi totoo iyan..." nanginginig ang boses ko.

"It’s true. I just found out weeks ago... I didn't tell anybody, ayokong malaman mo, kasi ayokong masaktan ka." napahagulgol na ako ng tulyan. Bakit ganoon si Robi? Bakit sinasaktan niya ako ng ganito? Ganoon na lang ba kadali para sa kanya ang iwanan at kalimutan ang pangakong binitiwan niya sa akin?

"Hindi totoo iyan.." muli ay sabi ko. Lumayo ako kay James. Sisinghot-singhot na pinahid ko ang mga luha ko. "Hindi totoo iyan, James. Sinasabi mo lang iyan para..." natigilan ako para saan? Para pasakitan ako? Pero bakit? Ipinilig ko ang aking ulo. "Basta, hindi totoo iyan. Hindi ako magagawang basta na lang kalimutan ni Robi. Mahal niya ako at sinabi niyang babalik siya. He promised me forever. Alam kong tutuparin niya iyon. Hindi ako naniniwala." pagkasabi noon ay tumakbo ako sa loob ng bahay. Nagtuloy-tuloy ako sa kwarto ako at umupo sa gilid ng kama. Robi's engage. Hindi totoo iyon. Alam kong hindi totoo iyon, Hindi niya ako sasaktan. Alam ko iyon. Tumayo ako at mula sa drawer ng bedside table ay kinuha ko ang drumsticks na iniwan sa akin ni Robi noon. I traced the words that were engraved in those sticks... it says: The keeper of my heart...

"Hindi totoo iyon..." mahinang usal ko. Pinahid ko ang mga luha ko. James was lying. Hindi totoo iyon...

____

I can't get over how crazy James was the other day. Hindi ako makapaniwala na nasabi niya ang ganoong mga bagay... alam ko naman na hindi totoo iyon eh. Hindi magagawa sa akin ni Robi iyon. I mean, he promised me... alam kong tutuparin niya iyon. Gaano man katagal ang panahon na wala siya, alam ko na para sa kanya totoo ang pangakong iyon, at tulad ng sinabi ko noon, hihintayin ko siya kahit gaano katagal.

Pero hanggang kailan kaya iyon? Naiinip na kasi ako. Limang taon na akong naghihintay, at minsan naiisip ko kung babalikaan niya pa ba ako? Paano kung totoo pala ang sinabi ni James? What if Robi forgot? What if he was really engage with someone else? What if...

"That would really suck..." I said outloud. Ipinilig ko ang aking ulo. Kung totoo man ang sinabi ni James, masasaktan ako ng sobra, pero alam kong hindi totoo iyon, but then, why am I feeling like this.. like there's this big hole not in my chest but in my world.... hindi naman ganito dati eh...

"Ian..." awtomatikong nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang tinig ni James. Ngayon ko lang ulit siya nakita pagkatapos ng tatlong araw. He smiled at me. Napansin kong may dala siyang asul na paer bag, at hindi lang iyon, kasama rin niya si Ali at si Zach...

"Hey..." i smiled back at him, trying to act normal Naiilang pa rin kasi ako.

"Tinatawagan kita ah.." tila nanunumbat pa siya. Umupo siya sa harap ko. He took away the magazine on my lap. He smirked. "Sorry... peace?" iniabot niya sa akin ang paper bag na dala niya. Nakasimangot na kinuha ko iyon, binuksan, napangiti ako ng makita ko ang laman noon: gummy bears at saka chuckie.

"May suhol pa talaga ano?" natatawang sabi niya. Sinuntok ko siya sa balikat.

"Don't ever say that again..." biglang sabi ko. James sighed.

"But---"

"Shhh! I don't wanna hear it. Ano nga palang ginagawa ninyo dito?" pag-iiba ko ng usapan. Tiningnan ko si Zach at si Ali na naupo sa couch sa gilid namin. Nagtingin muna ang tatlo. Tumikhim si Zach.

"Trey left for his honeymoon..." nakangising sabi niya.

"Ano naman sa akin?" biglang natawa si Ali. Binatukan siya ni James. James looked at me.

"Natatandaan mo pa ba iyong offer namin s'yo noon noong nagbakasyon si Trey?" natigilan ako. Pinakatitigan ko si James.

"Babalik pa naman siya, honeymoon lang iyon." seryosong sabi ko. Umiling si Zach. Napamaang ako.

"He left the band for good?" nanlalaki ang mga mata ko.

"Hindi, hindi naman. Sabi niya kasi bigyan daw namin siya ng two years. He wants to build a life with Angelika. Wala naman kaming magagawa. I mean, he's happy now. Sino kami para hadlangan iyon..." mahinahong sabi ni James. Two years... that's too long.

"But that's too long..." sabi ko pa.

"Alam namin, kaya nga nadito kami. We want you to know that our offer still stands. Ian, please be our new drummer." Napangiti ako. Tapos ay umiling.

"Ow c'mon." nanghihinyang sabi ni Ali.

"But that's too big.. as in huge. I'm scared."

"Bakit ka matatakot? You're just gonna play the drums.." napatingin ako kay Zacharias. Kung makapagsalita siya parang madali ngang gawin iyon.

"Unlike you.... hindi ko pa na-e-experience na tumugtog sa totoong banda. Wala akong certified chart topper na single... walang gold na album, in other words, in-experienced." napabuntong hininga ako. Hidi ako makapaniwala na buhay na naman ang issue na ito. Nagkatingin silang tatlo.

"Ayaw mo talaga?" tanong muli ni James. Tumango ako. Nagkibit-balikat ang mga ito. Tumayo si James.

"That's it guys, this is the end of the road for us." napamaang ako. Seryoso sila? Tumayo din ako.

"Seryoso nga? Walang stir? Dahil lang sa hindi ako pumayg, magdi-disband kayo?" malungkot na tumango si Zach. Nanlaki lalo ang mga mata ko. Binalingan ko si Ali. "Ali can substitute for Trey, ginagawa niya naman iyon para kay James minsan diba?"

"Hindi ako marunong sa drums, Ian. Saka isa pa, kung sasabihin mo na maghanap kami ng iba, hindi naman pwede iyon. Ayaw rin kasi ng grupo. I mean, para sa amin kasi dalawa lang ang taong pwedeng pumalit kay Trey, its either you or si Robi. Si Robi naman kasi talaga ang drummer. Pero dahil wala siya, ikaw sana, ayaw mo naman kaya, iyon ang paln B namin, disband na lang..." Ali said. Kung makapagsalita siya, parang nire-recite niya lang ang theory of relativitism.

"Ibig sabihin, nasa mga kamay ko ang desisyon?" lahat sila ay tumango ng sabay-sabay.

"Kung papayag ka, i-lo-launch namin next month ang baging Neon. It will be a blast, Ian. You'll like it." narinig kong sabi pa ni Ali. "Makikilala ka ng lahat.. makikita ka ng mga kamag-anak, kaklase at dati mong kaibigan..." sa lahat ng iyon ay isa lamang ang tumatak sa isipan ko. Makikita ka ng lahat... lahat... including Robi. Hindi naman pwedeng hindi niya malaman. As far as I know, kabilang pa rin siya sa grupo. Ang tawag nga sa kanya nila James ay: The missing part of Neon... Maybe if he finds out, he'll finally comeback... and if he did, we'll finally have our own happy ending.

Pinakatitigan ko ang mga lalaki sa harap ko, lahat sila, except for James na talo pa ang nagpapalit ng underwear kung magpalit ng bababe, ay may kanya-kanya ng fairytale. Masaya sila sa buhay, samatalang ako, five years ng nabubuhay sa sobrang kalungkutan at hapis. Bakit hindi.. bakit hindi ako gumawa ng paraan para mapabalik si Robi? Alam ko naman na hindi pa niya ako limot... nararamdaman ko iyon.Kailangan niya lang ng kaunting push... para finally bumalik na siya sa akin.

"Ian..." pukaw ni Jaime sa malalim kong pag-iisip. I looked at him.

"I'll do it." napatayo si Zach.

"Talaga?" tumango ako. Mukhang masayang-masaya na sila sa narinigAli even hugged me.

"I'm so happy, Ian!" Ali said. Tinapik ni James ang balikat ko.

"Thank you, Ian." I looked at him. May kakaibng kaligayahang mababakas sa kanyang mga mata, ngunit saglit lamang iyon, napalitan kaagad ito ng matinding pag-aalinlangan.

"James, okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Okay nga eh, makakasama na kita araw-araw." natigilan ako.

"Oh, paano, Ian, mauna na kami? Tatawagan ka namin bukas for the rehearsals, pag-aralan mo iyong mg part ni Trey ha?" nakangiting sabi ni Zach. Napatango ako. Nauna ng lumabas si Zach at si Ali. Naiwan si James sa harapan ko. Muli ay tinitigan ko siya.

"Ulitin mo nga iyong sinabi mo." sabi ko sa kanya. Kumunot naman ang noo ni Jaime.

"Sabi ko, ayos lang ako. Masaya ako kasi makakasama kita araw-araw." muli ay nakadama na naman ako ng kakaibang kaba sa dibdidb ko. Was that something else? Kunot na kunot ang noo ko.

"Bakit parang nakalasa ka ng datu puti?" biglang tanong niya. Hindi pa rin ako maka-move on sa sinabi niya.

"Halos araw -araw ka na nga nadito. Magsawa ka naman sa akin.." kunwa'y biro ko. Umiling si James saka siya ngumiti.

"Kahit kailan hindi ako magsasawa sa'yo, Ian. Sige, una na ako. May gagawin pa kami sa office eh." he kissed my forehead. Natigalgal naman ako. Nagpapalipad hangin ba si Jaime sa akin? Pero bakit naman? Sinudan ko siya ng tingin. Sumakay siya sa kotse niya at sumubod na sa kotse ni Zach na nauna nang umalis.

Hindi naman siguro... hindi naman ganoon iyon. Muli ay ipinilig ko ang aking ulo. Maybe I'm just Imagining things. James? Hindi noh... Huminga ako ng malalim. Bigla ay nakadama ako ng kakaibang kasiyaha. Bukas, magsisimula na ang isang bagong bagay sa buhay ko.. Nakakakatuwa, may posibility na kaming magkita ni Robi.. and I am so excited...

No comments:

Post a Comment