Nonsense

Isang nonsense na blog.

Wednesday, September 22, 2010

The girl who can't be moved (six)

SIX

“Hey, Ian." namilog ang mga mata ko ng makita kong nakatayo si James sa labas ng coffee shop. Anong ginagawa niya dito at paano niya nalaman kung nasaan ako?

"What are you doing here?" nagkibit-balikat siya. He smiled then he took my hand.

"I was driving around, then I saw you inside. Pauwi ka na?" he askedme. Tumango naman ako. Totoo naman eh, uuwi na rin namamn talagaako. Pero mas gusto ko sanang umuwi ng mag-isa...mas gusto kosanang tumayo sa may bus stop at hintayin iyong bus na madalasnaming sakyan noon ni Robi. Gusto ko sanang makitang muli iyongstick fugure doon... sa madaling salita, gusto kong magmukmok. Nalulungkot na naman kasi ako.

Sino ba naman ang hindi malulungkot sa sitwasyon ko? He said that he wanted us to be friends. Friends?! Pagkatapos niya akong paghintayin ng limang taon, after living five long years in melancholy, he just wanted us to be friends?! Hindi ko naman kailangan ng kaibigan eh. I have a lot of those, what I need is Robi, I need him. I want him to love me again... I want him to be my Super Robi again... mahirap ba iyon?

"Yan... are you okay?" James asked. Napatingin ako sa kanya. Tumango ako. Ano pa bang sasabihin ko, halata naman siguro sa mukha ko kung sino na naman ang iniisip ko.

"Naiisip niya kaya ako?" biglang tanong ko. James stared at me.

"Maybe... who knows, right? Wala naman nakakaalam sa takbo ng utak ng taong iyon." ngumiti si James. "Sakay na. Ihahatid na kita." huminga ako ng malalim at pilit kong iwinawaglit sa aking isipan ang imahe ni Robi noong nakaupo kami sa swing noong gabing iyon. Ang saya-saya ko noon, nalaman ko kasi na hindi niya talaga ako basta kinalimutan na lang. He remember things, he remember those good memories that made me cry everytime.

"How was your day?" tanong ko kay James?

"Stressful...." he tried to smile. "Hey, out of town gig tayo. Sasama ka dun ha? Kapag di ka sumama, hindi kami matutuloy, walang drummer." binatukan ko siya.

"Natural sasama ako. Wala na eh, Neon na ako. At sa tingin ko, Robi was happy about it too." napangiti ako. Hindi sumagot si Jaime. Nanatili siyang nakatingin sa daan at nagmmaneho. The thing with James is, pagdating kay Robi... hin di siya masyadong nagkokomento. Isang bagay na pinagtataka ko dahil dati, silang dalawa ang malapit sa isa't-isa. Robi and James were the minds behind their band, kaya nga hindi ko maintindihan kung anong nangyari. May issue ba si James kay Robi o si Robi ang may issue kay James. Gusto ko sanang magtanong kaya lang, hindi ko naman alam kung paano sisimulan.

"We're here." huminto si Jaime sa tapat ng bahay ko. Marahang binuksan ko ang pinto ng kotse at saka bumaba.

"Gusto mo kumain?" tanong ko sa kanya. Ngumiti si James.

"Sige.. gutom na nga rin ako eh." tinahak namin ni Jaime ang daan papasok sa bahay ko. Binuksan ko ang gate at nagtuloy-tuloy. Sumalubong sa akin ang kakaibang katahimikan. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Sanay na naman ako, ang tagal-tagal na ng panahon na namumuhay ako mag-isa. Sometimes, I get lonely, but when I think about Robi, and the possibility that he will come back, nawawala lahat ng lungkot ko.

Ipinasok ko ang susi sa doorknob, at ng buksan ko ang pinto, sumalubong na naman sa akin ang katahimikang iyon at ang isang malawak na kadiliman, ayoko man ay nakadama ako ng lungkot. Kinapa ng kamay ko ang switch ng ilaw, and when I turned the lights on, I heard voices saying:

"Surprise!!" muntik na akong mapasigaw sa sobrang gulat. Napahawak ako sa aking dibdib. Nadama kong tumitibok ng mabilis ang puso ko.

"What the---" I exclaimed.. pagkatapos noon ay natawa ako. Pinagala ko ang mga mata ko sa paligid. Naroon si Anton, Rika, Zach, Audrina, Ali, Rapah and of course, Robi... with Irish. Lahat sila ay may suot na party hat maliban na lang kay Robi. Si rapah may hawak na banner na may nakasulat na: Congratulations Ate Ian.

"Nagulat ka ba namin, Ate Ian?" nakangiting tanong ni Rapah. Napailing ako. What can I say?

"Para saan ito?" nagtatakang tanong ko.

"Surprise party kasi the launching of the new Neon was a success and we owe it to you, Ian." James looked at me. Hinatak ko ang manggas niya.

"Siguro sinandya mo na puntahan ako sa coffee shop noh?" nakangising tanong ko.

"Hindi, Ian. kanina ka pa niya sinusundan. Naninigurado lang kami na hindi ka uuwi agad." sagot ni Anton.

"Ano? Party na tayo?" sabi pa ni rapah. Natawa ako. Hidi ko alam kung bakit ako masaya. Siguro, tanggap na ng utak ko na madalas ko talagang makikita si Irish na kasama si Robi, siguro tanggap ko na nasa kanya si Robi... sa ngayon. Dahil hidni pa ako sumusuko. Ayokong maging pangit kaya kahit anong mangyri at kahit gaano man kahirap, gagawa ako ng paraan para mahalin ulit ako ni Robi.

Ali took out the champagne. And like what Rapah said, nag-party nga sila. Masaya naman ako na nanonood lang sa isang tabi, hindi ko kasi masyadong magawang magsaya ng lubusan, nakikita ko kasi kung paano tingnan ni Robi si Irish, at nakakadama ako ng selos. He used to look at me like that. Puno ng warmth ang mga mata niya habangnakatitig sa mukha ni Irish. Tumatawa siya sa lahat ng sinasabi nito. Hewas carefully listening to her, making sure that he understands every detail of her story. He used to treat me like that. He used to make mefeel the most special person in this universe. Used to...

"Why are you here?" kunot na kunot ang noo ni Robi. Napamulagat ako. Hindi agad ako nakakibo, hinanap ng mga mata ko si Irish, naroon na siya kasama si Rika, nagkekwentuhan. Teka, diba kanina sila ni Robi ang magkatabi? Napatingin ako kay Robi. Sobrang lalim ba ng iniisip ko at hindi ko man lang namalayan na wala na pala sila sa direksyon tinitingnan ko?

"Huh?" tanong ko. Napailing siya.

"Ayaw mo ba ng party?" huminga ako ng malalim.

"Hindi... okay nga eh. Natutuwa ako. Thank you..." Robi smirked.

"This is James' idea. Dapat nga sasabihin ko na huwag na lang kasi magastos pa. Pero dahil hindi naman niya ako kinakausap, wala akong magagawa kundi pumayag. I still don't know why he's not talking to me. It's sort of freaking me out."

"Hindi mo rin alam?" tanong ko pa sa kanya. Robi shook his head.

"I guess it has something to do with you." he whispered.

"Bakit ako?" takang-takang tanong ko. Tinitigan ako ni Robi.

"Hanggang ngayon ganyan ka pa rin." sabi niya. Hindi niya sinagot ang tanong ko pero tila may alam siyang hindi ko alam. Parang may kakaiba sa mga tingin niyang iyon. "Anyways.." biglanng sabi niya.

"Ano?" tanong ko. Hinawakan niya ang braso ko at hinatak ako patungo sa may garden. Hindi ako nakadama ng kahit anumang pagtutol, naiisip ko kasi, ganito rin kami noon. And he was holding my arm... it feels so good.

"Here." iniabot niya sa akion ang isang malaking paper bag. "Gift ko sa'yo. Hope you like it." dali dali kong kinuha iyon upang tingnan ang nasa loob. I saw a shoe box inside. Inilabas ko iyon mula sa paper bag at binuksan. I found a pair of high heels. Pinakatitigan ko muna iyong mabuti bago ko inilapag sa damuhan. Hinubad ko ang suot kong sapatos at parang batang sabik na sabik na isinuot ko iyon.

"I knew it'll fit you well..." nang tingnan ko si Robi ay nakangiti siya. Nakatingin siya sa sapatos na suot ko. "Buti na lang hindi na lumaki yung paa mo... matagal ko na yan binili, hindi ko lang napadala..." parang hindi ako makahinga. Sabi niya matagal niya na daw binili, so does that mean, he was thinking about me while he was away?

"Like it?" he even asked.

"I was never a huge fan of high heels but this is just perfect. I love it.

Thank you." I smiled back at him.

"No worries." napanganga ako ng biglang ilagay ni Robi ang kamay niya sa ulo ko uoang guluhin ang buhok ko. Napaatras ako ng kaunti.

"Why? Ayaw mo na ba na ginugulo ko iyong buhok mo?" nagtatakang tanong niya.

"No...." I took a deep breath. Should I say it? "Kinikilig kasi ako eh." bigla ay tumawa siya ng malakas.

"That line of yours never fails to make me laugh. Pati din iyong motto mo na, ang sumuko, pangit."

"We'll, believe it or not, that motto works. Kaya nga sumikat sila eh. Ma-pride chicken silang lahat. Ayaw nolang pumayag na pangit sila kaya ayun, hindi sila sumuko." I saw him staring at me, panandaliang nalunod ako sa pagkakataong iyon.

"Buti na lang palagi kang nadun para sabihin sila na: ang sumuko pangit."

"Siyempre, ako ang number one fan ng Neon eh. Ako ang kauna-unahang groupie nila." pabirong sabi ko. Robi smiled.

"Yeah.." nakangiti pa rin siya. Bigla ay nadama kong nag-iinit ang mga mata ko. Naiiyak na naman ako. I missed that smile.

“Naalala ko pa noon, when you used to practice inside Jame’s garage. It was fun… nakakatuwa.. alam mo kapag naaalala ko iyon, hindi ko maiwasan ang mapangiti…”

“You were our number one fan. You'd spend the whole day with us.. taga timpla ng juice, taga gawa ng merienda. taga hanap ng susuotin namin for a gig..." nakangiti pa rin siya. Then suddenly he turned to me, he took my hand.

“Thank you for taking care of the band. Thank you for loving Neon…” he sighed… “Thank you for loving me….” hindi ako nakasagot. Bakit siya nagpapasalamat sa pagmamahal ko para sa kanya?

"Robi...." napapikit ako nang marinig ko ang boses ni Irish, lumapit siya sa amin ni Robi. She put her hand around Robi's arm.

"Hi, Ian." ngumiti siya sa akin. Tumango naman ako. "Congrats ah..." I just smiled at her. parang bigla siyang natigilan. "Ay, nakakaisitorbo ba ako?"

"Of course not.." sagot ko naman. She smiled again.

"Uhmm.. Is it okay, if I steal Robi away? Nangako kasi siya na ipapasyal niya ako ngayon. Ang tagal ko na kasing hindi nakauwi kaya gusto ko sanang makita ang pinagbago ng Pilipinas." nakangiting sabi niya. Mabait naman si Irish pero hindi ko lang talaga magawang magustuhan siya, unang-una, dahil sa inagaw niya sa akin ang pagmamahal ni Robi.

"Oh sure..." tinanguan ko sila. Niyakag na ni Irish si Robi na umalis... at nang tumalikod sila, naiwan ako roon, sinusundan sila ng tingin.

"Is is okay if I steal Robi away?" How ironic can this get? Steal away... if she only knew... matagal na niyang na "steal away" sa akin si Robi....

____________

“Patapos na kami. Sandali na lang ha?" ngingiti-ngiting sabi ni Zach sa telepono. Tahimik naman na minamasdan ko siya. Sa tuwing tinitingnan ko siya, parang hindi pa rin ako naniniwala na hindi na siya tulad ng dati. I sighed. Lahat naman sila, including Ali. Kung tutuusin, si James na lang ang wala pang sariling ka-loveteam. I realized, napapalibutan pala ako ng mga taong may kanya-kanya ng happy ending. Samantalang ako, hanggang ngayon naghihintay, at iyong hinihintay ko iba naman ang gusto... iba na ang gusto.

"Si Ian, tulala na naman." awtomatikong napangiti ako.

"Hindi ah." ipinilig ko ang aking ulo upang itaboy ang mga ideyang tumatakbo sa isipan ko. Ayoko na munang isipin si Robi. Bukod sa nagmumukha akong tanga, na-stress pa ako ng bonggang-bongga. Napapagod na rin kasi ako ng kakaisip sa kanya. Wala naman nangyayari. Nasa harapan ko pa rin ang katotohanan na hindi na siya sa akin. Na may iba na siya, at masaya sila. Kahit gaano man kasakit, kailangan kong tanggapin iyon. Pero hindi pa kasi ako handa na isuko na lang siya basta. Mahal ko si Robi, at hindi ako naghintay ng limang taon para sa wala.

"Pwedeng magtanong?" sabi ko. Tumango ang ilan sa kanila.

"Ano ba iyon?" tanong ni Ali. I smiled. Matagal ko na kasing gustong malaman ito. Lagi ko lang nakakalimutang itanong sa kanila.

"Huwag ka nang mahiya, Ate Ian. Ano iyon?" wika ni Rapah. Naupo siya sa tabi ni Ali. Ali kissed her cheek. Bigla ay nakadama ako ng inggit. Ang sweet nila.

"How do you guys do it? I mean.. paano ninyo nakuha iyong mga girls ninyo?" natigilan ang lahat at napatingin sa akin. Lahat yata sila nakataas ang kilay, tapos, to my surprise, nagtawanan sila lahat. Natigilan naman ako, I bit my lower lip. "Seryoso ako... I want to know." yumuko ako.

"Okay, this is fun..." nakangising sabi ni Rapah.

"We'll?" I looked at them, Zach shrugged. "That time, Audrina was ready to leave me... so when she said goodbye, hindi ako pumayag. I locked her in our house for weeks..." nakangiting sabi niya. "But when I realized that she's not gonna love me back by doing that, I set her free... at bumalik naman siya sa akin... and the rest, history." Napangiti rin ako. habang nakatingin ako kay Zach, kitang-kita ko ang contentment sa mukha niya. He was so in love with his wife. I looked at Anton.

"I'm next?" tumango ako.. "We'll, nakipag-away ako kay Ebong. Pero kung iisipin, hindi iyon eh... I think, I seduced Rika... it's kind of my way of being with her, kahit man lang saglit.... and my way of winning her back...." he smiled.

"Yuck..." sabi ko… Anton made a face.

"We'll it works! Now I'm with her and we have Bonbon..." nakatawang sabi niya.

"Ako, wala naman akong ginawa. Sorry ah, alam naman nating lahat na baliw na baliw sa akin si Rapah, kahit na noong seven yeras old pa lang siya... Aray!" Rapah hit Ali on the head.

"Ang kapal mo, umiyak ka din naman noon. Ginaya mo pa nga si John Llyod eh..." Rapah made a face. Ali kissed her cheek again. Napangiti muli ako. Para talaga silang mga teen ager. Si Ali ang pinakamakulit sa Neon, habang si Rapah, may pagka-bratty. At ngayon magkasama n sila, wala ng dull moments... Binalingan ko si James. Nakita kong nakatitig siya sa akin. Marahang ngumiti ako.

"No comment." James shook his head. Umangal ang lahat.

"Ano kaya iyon. ang saya-saya ng sharing natin tapos, no comment ka diyan. Ano nga kasi..." pangungulit ko. Huminga siya ng malalim.

"Bakit mo ba kasi tinatanong?" seryosong sabi niya. Napipilan ako. Bakit? Ewan... we'll it has something to do with Robi. Naisip ko na baka makakuha ako ng ideya sa kanila. Bakit hindi diba? It worked on them... ibig sabihin pwede rin sa akin.

"Alam mo Yan-yan..." muling sabi ni James. "Lalaki kami, hindi applicable sa'yo ang mga technique na iyon." bigla ay kinilabutan ako.

"Hindi naman ako nagtatanong dahil dun, gusto ko lang malaman." pagtanggi ko. Ngumiwi si James.

"Whatever... basta huwag kang gagawa ng katangahan. Tama na iyan." sabi pa niya.

"Hay naku, nagsermon na naman si Father." sabi ni Rapah. "Naku Ate Ian, huwag mo nga pansinin iyan. Ilang buwan na kasing walang ka-date si Kuya." pilit akong ngumiti.

Sa totoo lang, medyo natamaan ako sa sinabi ni Jaime, alam ko naman kasi na katangahan lang talaga iyong ginagawa ko eh.. pero diba. kailangan mo munang maging tanga sa isang bagay para matutuhan mo ito? Ibig sabihin kung titigil na lang ako basta, paano ako matututo? Kung wala talagang mangyayari, eh di kakalimutan ko na lang si Robi. Lesson learned? Huwag maniwala sa mga pangako, pero dahil hindi ko pa nagagawa lahat, pwede pa akong magpakatanga.

"Tara na. Uwi na tayong lahat. Gagabihin pa ako eh." sabi ni Zach, bahagya pa siyang nakangiwi.

"Naku nga, hindi ka naman lalayasan ni Ate Audrina eh." nakatawang sabi ni Rapah. Hindi sumagot si Zach, sa halip, kinurot iya ang pisngi ng kapatid ni James.

"Ang cuuuuute mo talaga. Una na ako ah..." sabi ni Zach sabay labas ng pinto ng conferece room. Nagpaalam na rin si Anton, si James at si Ali, pumasok pa sa office, may kailangan daw kasing pirmahan. Naiwan kami ni Rapah roon. I looked at her, she was smiling.

"What?" nagtatakang tanong ko. Lalo siyang ngumiti.

"Anong balak mo kay Kuya Robi?" nakangising tanong niya. Kinilabutan ako. Sa tingin ko kasi may iniisip si Rapah na hindi naman dapat.

"Balak? Wala akong balak sa kanya." she smiled even more... lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Alam mo kasi Ate Ian, ayoko kay Irish. For me, masyado siyang maarte para kay Kuya Robi. Hindi sila bagay... at sa tingin ko, opinyon ko lang naman ito, wala siyang kakalagyan sa mundo natin... I mean mundo ng mga guys... mundo ng Neon... hindi siya bagay sa buhay na meron sila. Basta... basta hindi ko siya gusto... kaya kung may balak ka kay Kuya Robi, sabihin mo sa akin, para matulunga kita." kinidatan niya ako. Tulong? Aong tulong? At sa paanong paraan?

"What are you talking about?" bahagya pa kong tumawa. Nagkibit-balikat siya.

"Akitin mo si Kuya Robi." nanlaki ang mga mata ko.

"Ano?!!" gulat na gulat na sabi ko.

"Why not? It worked on Ate Rika, it worked on Ali. Siguro kay Kuya Robi din. Wala namang masama kung susubukan mo diba? Maganda ka Ate Ian, you can do it. All you need to do is too look extra pretty, show off some skin... and walk sexy... Naku, kapag nakita ka ni Kuya Robi ng ganoon, sigurado ako, babalik siya sa'yo..." tila siguradong-sigurado siya sa sinasabi niya. Napatingin ako kay Rapah. She was still smiling.

Come to think of it, Rapah seduced Ali. And she won his heart. Anton did that too, and now he's with Rika, and they are happy. Robi... he loved me once.... and like what Rapah said, wala namang masama kung susubukan ko diba?

"I'll help you..." Rapah said again. "All you have to do is say , yes..." itinaas baba niya ang mga kilay niya. Am I actually taking advice from an immature, bratty girl?

"Yes?" napakagat ako ng labi. Rapah clapped...

"Yey!" sabi pa niya. Noon bigalang pumasok muli si Ali at si James. Kunot na kunot ang noo ni Jaime.

"What's happening?" tanong pa niya. Tumayo si Rapah at hinagkan si Jaime sa pisngi.

"Wala Kuya… We’ll go now. Hatid mo na lang si Ate Ian. Come now, Ali." Ali waved goodbye. Naiwan kami ni James.

"Ano iyon?" muling tanong niya.

"Ha? Wala... Uhmm huwag mo na akong hatid. Mag-ba-bus na lang ako." mariin pa rin iyang nakatitig sa akin. "W-what?"

"Tandaan mo Ian. Do not do stupid things..." may diin ang bawat katgang binitiwan niya. Nakadama ako ng kaba.

"Whatever. I'll go now. See you tomorrow." iyon lang at dali-dali akong lumabas ng conference room. Ang bilis ng tibok ng puso ko...

No comments:

Post a Comment