Nonsense

Isang nonsense na blog.

Thursday, July 15, 2010

basted (maikling kwento)


"She's in love with someone else. Alam mo na rin siguro kung kanino. Bakit siya pa? Bakit hindi na lang ikaw?"

Sadya yatang maulan noong araw na iyon. Sinadya ng panahon para pigilin ka sa alam kong matagal mo nang balak. Naisip ko, sinasabi sa'yo ng panahon ang isang bagay na hindi ko kayang sabihin sa'yo ng harapan.

"Huwag kang pumunta, Mark... Paulit-ulit ang mga katagang iyon sa utak ko. Mula kagabi noong sabihin mo sa akin na gusto mo nang sabihin kay Sofia ang tunay mong nararamdaman, iyon na ang mga salitang namumuo sa isipan ko.

Ayokong pumunta ka roon. Ayokong sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo, dahil alam kong masasaktan ka lang. Hindi naman pwede na ako mismo ang magsabi sa'yo na hindi ikaw ang gusto niya. Na hindi ikaw ang mahal niya at kahit minsan hindi niya naisip na mahalin ka dahil iba ang nilalaman ng puso niya.

Masasaktan ka lang naman, Mark.. pero kahit gustong-gusto kitang pigilin, kahit na gustong-gusto kong sabihin sa'yo ang alam ko, hindi ko naman magawa. Wala akong karapatan dahil kaibigan mo lang ako. At ang isang kaibigang tulad ko ay taga-suporta lamang.

I couldn't do anything else, but to just wait for that moment you will come to me, torn apart and hurting.

"Okay class, get one half sheet of paper." napapalatak ako, hindi dahil nagpapakuha si Ma'am ng 1/2 sheet of paper, napapalatak ako dahil may tets at wala akong naintindihan sa sinasabi niya dahil ikaw lang ang iniisip ko. Tumingin ako sa'yo.. nababakas ko sa mga mata mo ang kasiyahan at excitement.. mag-kaiba talaga tayo ng nararamdaman. Ikaw masaya, samantalang ako, balisa. Nag-aalala kasi ako sa'yo. late this afternoon, your heat will be broken in a million pieces.

Napapikit ako, bago pa man din ako makakuha ng papel ay nagring na ang bell.

"Yes!" impit na sigaw ng mga ungas nating kaklase. Sinulyapan kita, tuwang-tuwa ka rin. Agad na niligpit mo ang mga gamit mo at saka ka tumayo. Alam kong lalapit ka sa akin, kaya hindi na ako tumayo mula sa aking kinauupuan.

"Grace, ano, halika na. Ay mali..." marahang nahampas mo ang iyong noo saka ka ngumiti. "Ako lang pala ngayon, susunduin ko si Sofia. Hindi na nga ako makapaghintay."

Matabang na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. Hindi makapaghintay saan? Sa pagkawasak ng puso at ng mundo mo?

Anim na buwan na ang lumipas noong sabihin sa akin ni Mark na may nararamdaman siyang espesyal para kay Sofia. Noong sinabi niya iyon sa akin ay natuwa ako. In my mind I was thinking, my two bestfriends... may posibilidad na maging sila... ang saya-saya ko noon para kay Mark, ang akala ko kasi ay pareho sila ni Sofia ng nararamdaman... mali pala ako.

"Mark, sigurado ka na ba?" hindi mapigilang tanong ko. Ngumiti ka sa akin.

"Oo naman..." pero bigla ay natigilan ka rin. "teka.. may naalala ako. Kagabi, noong tinawagan kita, sobra-sobra ang pandi-discourage mo sa akin? Bakit ba?"

Nahalata niya pala iyon... Ngumiti ako.

"W-wala... naiip ko lang kasi na may malaking posibilidad na hindi pa handa si Sofia. Anong malay mo..." natawa ka naman sa sinabi ko.

"Handa na siya. 4th year na tayo, Grace. Saka isa pa, ayokong lumampas ang buwan na ito nang hindi pa nagiging akin si Sofia. Naiinip na rin naman ako, gusto ko na talaga siyang tawaging "mine."

Wala na akong nasabi. Nabanggit mo palang ng salitang "MINE" natigilan na ako.

"O eh ano pang ginagawa mo dito? Umalis ka na.. sunduin mo na si Sofia." muli ay ngumiti ka. You even put your hand on my head to ruin my hair. You always do that when your excited about something. Bago ka pa man makalabas ng classroom, tinawag kita.

"Mak! if you need someone to talk to, later, hihintayin na lang kita sa school park." natawa ka saka umiling.

"Baka bukas na lang kita makausap, o kaya man, tatawagan na lag kita mamaya."

"Hindi.. basta... aantayin kita doon." muli ay natawa ka. Umalis ka na lang basta, ni hindi mo ako nilingon. naiwan akong nag-iisa sa chem lab. Hindi ko alam kung gusto ko bang lumabas roon o susundan kita o gagawin ko na lang ang sinabi kong hhintayin kita sa school park. Tumingin ako sa relo na nakasabit sa likod. 4:30 ng hapon. I guess, one hour later, I'll see Mark again... at sa panahon na iyon, kakailanganin na mo na ng kausap.

Tumayo ako, nanlulumo. Ganito pala ang pakiramdam ng taong alam ang mangyayari... iyong mga psychic kaya, ganito din ang nararamdaman nila?

Ako ang kahuli-hulihang taong lumabas ng chem lab. Wala na masyadong tao sa corridor. Paulit-ulit na nagbubuntong hininga ako. Sayang talaga... sana kasi marunong makinig si Mark.

Naglakad ako patungo sa school park. Medyo tumila na ang ulan. Kaunting ambon na lang ang bumabagsak mula sa kalangitan.. Naisip ko na naman na nakiki-ayon ang mood ni mother nature sa magiging mood mo maaya... Gloomy and Cold. Nang marating ko ang liwasan, naisip ko na bobo talaga ako kasi hindi man lang sumagi sa kukote ko na wala akong mauupuan kasi basa lahat ng bench. Hayun, tumayo na lang ako sa may shed. Yakap ang bag ko, tahimik akong naghintay sa'yo..

Iniisip ko na ang mga bagay na maari kong sabihin sa'yo mamaya upang maibsan ang sakit na nararamdaman mo.

"Teddy bear..." isang tinig ang pumukaw sa malalim kong pag-iisip. Agad naman akong lumingon upang hanapin ang tinig na iyon. At nang makita ko ang nag-mamay-ari ay parang gusto kong lalong malungkot.

Heto si Andrew.. mukhang masayang-masaya, habang si Mark mamaya, malulumbay... at isa sa mga magiging dahilan ay si Andrew.

"Bakit mag-isa ka lag? Di ka pa uuwi?" nakangiting tanong niya habang papalapit sa akin. Tumayo siya sa tabi ko, pilit na kinukuha ang bag ko.

"Ako na lang.. kaya ko naman. "Mahinahong sabi ko. Hindi naman siya nagpumilit pa. Tumayo lang siya sa tabi ko, maya-maya ay naramdaman kong pilit niyang hinahawakan ang kamay ko na nakayakap sa bag ko.

"Andrew..." mahina ngunit mariing sabi ko.

"Bakit? i just wanna hold your hand.." kumunot ang noo ko.

"Heh!" nakakaloko ang lalaking ito.

"Ano bang ginagawa mo dito? Baka umulan, umuwi ka na kaya. hahatid kita." muli ay sabi niya, Umiling ako.

"Hinihintay ko si Makmak." sabi ko, napatingin ako sa kanya nang bigla siyang matahimik. Hindi ko maintindihan ang ekspresyon ng mukha ni Andrew nang mga oras na iyon, para siya naaasiman na hindi ko talaga ma-gets. May nakain ba siyang masama?

"Huy..." sinuntok ko ang balikat niya. Hindi pa rin siya kumibo.

"Do you like Mark, Gracie?" biglaan tanong niya. Muntik na akong matawa. Adik yata talaga ang taong ito. How could I possibly like Mark when all along its him that I want? Pero hindi ko pwedeng sabihin iyon. Liking Andrew, or even feeling something for him will jeopardize my friendship with Sofia.

"Oo naman." nakatawang sabi ko. Like ko naman talaga si Mark, pero hanggang kaibigan lang. Nang muli akong mapatingin sa kinatatayuan ni Andrew ay likod na lang niya ang nakita ko. Nag-walk out ang ungas. Bakit? Nagkibit-balikat ako. Malamang may nakain siyang di masarap.. kaya siguro ganoon ang hitsura niya kanina.

Muli ay nagmuni-muni ako. Tumingin ako sa relo ko. 5:00 ng hapon... nang ssubukan kong tanawin ang direskyon na sigurado akong pangggalingan mo, naaninag ko ang isang bultong alam kong sa'yo.. Unti-unti ay lumalapit ka sa direksyon ko. Kita ko sa iyong mukha ang pait...

"Mark!" tinawag kita. Tumingin ka naman sa akin. Tulad ng inaasahan ko, wasak na wasak ang puso mo. Mapait na ngiti ang isinukli mo sa pagtawag k a'yo. Ni hindi ka lumapit sa akin. Mas pinili mo pang maupo sa basang bench kesa ang tumayo sa tabi ko. Nagsimula ang pag-ulan. Ako naman ay parang nanghihina, parang hindi ko makakayanan... Kinuha ko mula sa bag ang payong na baon ko. Dali-daling binuksan ko iyon at saka nagmamadaling lumapit sa'yo.

"Mark..." hinawakan ko ang balikat mo. Napailing ka. ahit alam ko na ang sagot ay di ko magawang hindi tanungin ang bagay na iyon. "how was it?" malumanay na sabi ko.

"Bad..." himinga ako ng malalim.

"Mark..." kanina habang nakatayo ako sa shed, isip ako ng isip ng sasabihin sa'yo, pero bakit ngayon wala akong masabi?

"She said, that she's in love with someone else. Do you know how much that hurst? Siya ang unang babaeng minahal ko. Tapos sasabihin niya bigla na may iba siya mahal."tumingin ka sa akin. "Alam mo na rin siguro kung kanino noh? Ang sakit-sakit. Bakit ba siya ang napili kong mahalin? Bakit siya pa? Bakit hindi na lang ikaw?" I was caught off guard hearing those words from your mouth. "Bakit siya pa? bakit hindi na lang ikaw?"

Itong ungas na ito, balak pa yata akong gawing rebound. Binatukan kita ng malakas. Dahilan para mapadaing ka.

"Ungas ka! Alam mong hindi tayo talo tapos mag-da-drama ka ng ganyan." ngumiti ako. Nakita kong kahit paano ay napangiti ka na rin. Tumayo ka saka kinuha ang payong ko, pati na rin ang bag na kanina ay pilit na kinukuha ni Andrew.

"Bestfriends talaga kayo ni Sofia noh? Pati sa taong mahal ninyo pareho kayo." muli ay umangat ang kamay ko para noohan ka.

"Ungas YOU!" natawa ako... natawa ka rin. mukha tayong ungas. Nakakatuwa na makita na hindi naman pala ganoon kasama ang magiging resulta ng unang kabiguan mo... saglit na kalungkutan lang pala ang ipapakita mo sa akin. Alam kong hindi agad maghihilom ang sugat na ngayon ay nasa puso mo, pero at least alam kong hindi naman ganoon kalalim iyon...

"Bakit hindi na lang ikaw? nag-eecho ang tanong na iyon sa utak ko... Hindi ko alam kung anong saltik ang sumapi sa utak ng lalaking ito at naisip niyang itanong iyon sa akin, pero ano rin kayang saltik ang sumapi sa akin at habang nakatitig ako sa lalaking ito ay bigla kong naisip na.....

BAKIT HINDI NA LANG SIYA?


***END***

No comments:

Post a Comment